- BULGAR
Dinedma raw nu'ng Father's Day, Julia... DENNIS, IDINAAN SA SOCMED ANG PANUNUMBAT SA MGA ANAK
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 25, 2022

Hindi namin masisisi si Dennis Padilla kung ito ay nagtatampo ngayon sa mga anak nila ni Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon. Hindi man lang daw siya naalalang batiin ng kanyang tatlong anak noong nakaraang Father's Day. Kaya naman, idinaan na lang sa social media ni Dennis ang kanyang hugot.
Bilang isang ama, natural lang na ma-miss ni Dennis ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon. Kahit hindi sila magkakasama ngayon, gusto pa rin niyang nakikita at nakakausap-nakukumusta ang mga anak nila ni Marjorie.
At noong Father's Day nga ay umasa siya na kahit papaano ay maaalala siya nina Julia, Claudia at Leon. Pero ni tawag, text o post man lang sa socmed ng pagbati ay wala siyang natanggap.
Ayaw ni Dennis na sumbatan ang mga anak, pero masakit para sa isang amang tulad niya na balewalain ng mga ito.