Dinala sa hotel, iniuwi sa bahay ng 30-anyos... 12 yrs. old, ni-rape ng chatmate
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 23, 2026

Photo: Courtesy Brgy. 165 / GMA
Swak sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaking tumangay sa 12-anyos na dalagitang inabuso nito sa loob ng tatlong araw matapos mahuli sa Pasay City, Biyernes ng gabi.
Nailigtas ng Pasay City Police Sub-Station 6 (Malibay), katuwang ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police Station at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang menor-de-edad na biktima kasabay ng paghuli kay alyas Angelo, naninirahan sa Brgy. 165, Malibay St.
Ayon sa imbestigasyon, nakilala ng biktimang residente ng Taguig, ang suspek sa chat, at noong Agosto 18, 2026 ay dinala siya nito sa hotel sa Pasay City kung saan umano siya hinalay.
Nasundan pa ang pang-aabusong sekswal nang iuwi pa ng suspek sa kanyang bahay ang biktima na nanatili hanggang Agosto 21.
Palihim na nakahingi ng tulong ang biktima sa kanyang ina na agad nakipag-ugnayan sa mga awtoridad, na nagresulta sa paghuli sa suspek sa kanyang tirahan.





Comments