Dinaig ng Ateneo ang sistemang laro ng UP
ni Anthony E. Servinio @Sports | December 21, 2022

Aminado si Coach Tab Baldwin ng kampeon na Ateneo Blue Eagles sa UAAP 85 men's basketball na namulat sila sa katotohanan matapos isuko ang korona ng Season 84 sa parehong Fighting Maroons noong Mayo. Pinuri niya ang mga reserba na tinawag niyang “The Buffaloes” na ang ginawa lang sa ensayo ay gayahin ang sistema ng kanilang makakalaro at itulak ang mga bituin ng koponan.
Kinokonsidera na ni Baldwin ng ang Ateneo ang katapat ng University of the Philippines (UP) at ng De La Salle University, bagamat tinawag niyang "underdogs" ang kanyang mga bata kumpara sa dalawang malakas na team.
Tumpak naman siya sa kanyang assessment, ang UP ang defending champions na inagawan ng korona ang Ateneo sa klasikong three-game series noong Season 84.
Naglaro sa La Salle ang stacked roster at naghari sa PBA D-League Aspirants Cup.
Pumasok ang Ateneo na hindi sigurado sa tikas ni Ange Kouame na hindi pa siyento prosiyentong magaling dahil sa 100% na knee injury. May bago silang mga beteranong player tulad nina SJ Belangel at Tyler Tio.
Nagbalik sa kamay ng Blue Eagles ang korona matapos patumbahin ang dating kampeon na University of the Philippines, 75-68, sa Game 3 Lunes ng gabi sa harap ng 21,814 tagahanga sa Araneta Coliseum. Kinumpleto ng Blue Eagles ang pagwalis ng huling dalawang laro ng seryeng best-of-three upang mauwi ang kanilang ika-12 tropeo at pang-apat sa gabay ni Coach Baldwin.
Isang matinding 9-0 panimulang arangkada sa pangunguna ni Forthsky Padrigao ang gumulat sa Fighting Maroons. Kahit umabot ng 20 ang lamang ng Blue Eagles ay hindi basta sumuko ang mga kampeon at lumapit sa tatlo sa bisa ng three-points ni Harold Alarcon, 67-70, at 20 segundo sa orasan.
Napiling Finals MVP si Ange Kouame sa 19 puntos at 12 rebound para sa numero na 17.7 puntos, 11.0 rebound at 3.0 tapal sa serye. Sinuportahan siya nina Padrigao at Gab Gomez na may 12 at Andrade na may 10.
Sa gitna ng maningning na laro ni Kouame ay inihayag na ooperahan na siya sa tuhod. Napilay siya noong Hunyo at magiting na ipinagpaliban muna ito upang makalaro sa kanyang huling taon sa UAAP.





Comments