top of page

DINA, UMAMING 'DI PA RIN KOMPORTABLENG KAUSAP SI PAULEEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 30, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 30, 2022



Sa isang panayam, inamin ni Dina Bonnevie na awkward na makipag-close siya kay Pauleen Luna.


Natanong ang aktres about Coney Reyes at Pauleen Luna. May anak ang Eat… Bulaga! host na si Bossing Vic Sotto kay Coney, si Pasig Mayor Vico Sotto.


Si Pauleen naman ay pinakasalan ng TV host kung saan may anak na rin silang babae, si Tali.


Without hesitation, honest na sinagot ni Dina ang tanong.


Ayon sa aktres, hindi pa sila nagkakaroon ng opportunity ni Coney to sit down and talk.


"Before si Coney, kasi magkaibigan talaga kami. Pero now, when I see her, 'Hi, Hello.' 'Di pa kami nagkaroon ng chance to sit down and talk.


"Si Pauleen, hindi rin."


Naalala niya nu'ng nag-first birthday ang kanyang apo sa anak na si Oyo at kay Kristine Hermosa na si Vittorio Isaac Sotto, nagkita umano sila ni Pauleen at nagkabatian.


"Nu'ng birthday and binyag ni Isaac, 'yun lang, parang, 'Hi, I'm Pauleen.' Although, kilala ko na siya, nakilala ko siya sa studio nu'ng nag-guest ako sa show ni Ryzza Mae (Dizon), pero hindi pa sila kasal nu'n. Then 'yun, sabi niya, 'Hi, ito 'yung anak ko, si Tali.' Ipinakilala niya," kuwento ng beteranang aktres.


Binanggit din niya na si Pauleen ang nag-i-initiate na magkausap sila, pero nao-awkward-an daw siya.


"We never had a chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, 'Gusto sana ni Pauleen na maging okay kayo, you know, to talk.' Sabi ko, 'Parang ang awkward kasi. Ano namang topic namin? Si Vic?'"


Si Dina ay bida sa bagong sitcom ng TV5, ang Kalye Kweens, kasama ang aktres na si Alma Moreno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page