top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dina, sumabog na, kumanta... ALEX, LATE NA, SA TAPING PA MALILIGO, BANO PANG UMARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 2, 2023




Nagsalita na rin si Dina Bonnevie tungkol sa napakatagal nang issue nila ni Alex Gonzaga na nagsimula pa noong 2011.


Sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Tuesday ay si Miss D. ang guest at siyempre, hindi puwedeng hindi linawin ng host na si Boy Abunda ang issue na matagal na ring inaabangan ng tao kung ano ba talaga ang totoo.


Sa mga hindi nakakaalam, nagsimula ang intriga between Miss D and Alex nang magpa-interview ang una sa isang presscon 4 years ago. Dito ay natanong si Dina kung may experience na ba siya sa mga primadonna na co-stars at sinabi niyang meron na pero hindi na niya pinangalanan kung sino ito.


Ikinuwento niya na lagi raw late ang co-star niyang ito at talagang tinarayan niya. Dito nga galing ang linya niyang “I gave her hell” na ang tinutukoy ay ang aktres na nakasama.


Bagama’t walang pangalang binanggit si Dina, may mga humula na si Alex ang tinutukoy nito since nagkasama sila sa seryeng PS I Love You ng TV5 noong 2011.


Since wala ngang tinukoy na pangalan si Dina ay namatay din naman agad ang issue at muli na lang nabuhay last December, 2022 dahil may ikinuwento si Alex sa kanyang podcast.


Sa nasabing podcast ay sinabi ni Alex na may isang matandang artista na sinigaw-sigawan siya from head to foot sa taping dahil sa pagiging late.


Wala rin siyang pangalang tinukoy pero siyempre, ang hula ng lahat ay si Miss D ito.


Sa Fast Talk with Boy Abunda, finally, to set the record straight at para magkaroon na ng tuldok ang issue, inamin ni Dina na si Alex ang tinutukoy niya noon sa panayam.


Pero ipinauna ni Dina na 12 years ago pa nangyari iyon at nilinaw na hindi niya sinigawan si Alex from head to foot tulad ng kuwento nito.


“We were doing a teleserye then and it didn’t come naman without reason. I mean, we were working together, kaya lang kasi, it didn’t only happen once. It happened once, twice, thrice,” simula ni Dina.


Hindi lang daw siya ang nainis noon kay Alex sa working habits nito kundi maging ang iba pang artistang kasama nila tulad nina Gabby Concepcion, Nadine Lustre at Cheska Inigo.


Kinausap daw niya nang maayos si Alex at hindi niya sinigaw-sigawan.


“If you want to stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set, and you know, you cannot even memorize your lines, hindi ka makaiyak,” ang kuwento ni Dina na sinabi niya kay Alex.


“And then, nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena niya raw ‘yun,” kuwento pa ni Dina.


That day ay nagtapos daw sila nang maayos at nagkaiyakan pa. And up to now ay hindi naman daw siya galit kay Alex.


Hindi raw siya na-offend na tinawag siyang “matanda” ni Alex dahil totoo naman daw ito.


“Hindi ako na-offend na tinawag akong matanda. It’s true, matanda na ako, I’m 61 but I’d like to see people at 61, if they’re still looking fresh. Sorry Boy, sorry but I feel fresh and I think I look fresh,” aniya.


Sinagot din ni Dina ang sinabi ni Alex sa podcast that she was painted as the ‘bad guy’ at du'n daw siya nainis.


“For me, du’n ako nainis kasi, painting you as the bad guy is inventing stories to make you look bad. I wasn’t inventing stories. But that’s past, it’s changed, nagbago naman siya bago matapos ang taping and okay, hindi ako galit sa kanya,” sey ni Dina.


Ngayon ay marami naman ang nag-aabang kung ano ang masasabi ni Alex dito but may feeling kaming hindi na sasagot ang dalaga unless hindi totoo ang mga sinabi ni Miss D.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page