top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

DILG at SSS, may nilagdaang Memorandum of Understanding

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2021
  • 3 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 26, 2021




Hello, Bulgarians! Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Social Security System (SSS) ay may nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) para sa social security coverage ng DILG’s job order o kontrata ng mga service worker na ginanap sa virtual signing ceremony noong 16 Agosto 2021.


Si DILG Secretary Eduardo M. Año ay kinatawan ni Assistant Secretary for Human Resource Development Florida M. Dijan habang si SSS President Aurora C. Ignacio ay kinatawan ni Senior Vice-President Mario R. Sibucao bilang mga opisyal na pumirma para sa kaganapan.


Sa ilalim ng MOU, ang mga DILG’s contract of service at job order worker ay maaaring maging self-employed members ng SSS. Ang Government contract of service at job order worker ay hindi sakop ng Government Service Insurance System dahil sa kanilang employment status. Sa pamamagitan ng programa ng MOU, ang mga nagtatrabaho sa DILG ay saklaw nito at maaaring makamit ang mga benepisyo ng SSS.


Nakasaad din sa MOU na ang DILG ay kikilos bilang Coverage & Collection Partner ng SSS. Bilang partner sa pagkolekta, pinahintulutan ng SSS ang DILG na kolektahin at i-remit ang kanilang buwanang mga kontribusyon sa pamamagitan ng salary-deduction scheme sa ilalim ng SSS’ KaltaSSS-Collect Program.


“In case these contract of service and job order workers ceased to work from the DILG, they can still continue paying their SSS contributions as voluntary members so they can still enjoy the benefits and loan privileges provided by SSS,” pahayag ni Ignacio.


Pinapayagan din ng MOU ang mga permanente o regular na empleyado ng DILG na sumali sa programa at magpatuloy sa pagbabayad ng mga kontribusyon bilang mga voluntary members.


Sinabi ni DILG Assistant Secretary Dijan na inaabangan ng kanilang ahensiya ang pakikipagsosyo na makikinabang sa kanilang mga job order at contract of service worker. Dagdag pa niya na sa MOU, tinatanggap ng DILG ang papel nito sa pagtulong sa mga interesadong manggagawa na magparehistro o magpatala sa SSS at masiguro ang mabilis na pagpapadala ng kanilang mga kontribusyon sa SSS.


Inaasahan ng SSS SVP Sibucao na ang nasabing partnership ay maaaring magbigay-inspirasyon sa ibang mga entity ng gobyerno na gawin din ang parehong solusyon para sa social security protection ng mga job order worker sa gobyerno.


Habang nasa virtual MOU signing, sinabi ni Sibucao na ang DILG at SSS ay partner na mula pa noong 2014 sa paghimok ng mga local government unit (LGUs) tungo sa SSS coverage ng kanilang mga job order at contract of service worker. Idinagdag pa niyang ang partnership ay nagbukas ng daan para sa social security coverage ng higit sa 219,000 job order na manggagawa sa 1, 374 LGUs sa buong bansa hanggang Hunyo 2021.


Nagpahayag si SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio ng kanyang kasayahan na ang pension fund ay maaaring magbigay-proteksiyon sa seguridad panlipunan sa mga kapwa manggagawa sa gobyerno. “In these challenging times, it is significant for job order and contract of service workers to have social security protection which is a basic necessity of every private or public sector worker,” paliwanag ni Ignacio.


Bilang mga miyembro ng SSS, sila ay may karapatan sa social security protection na nagmumula sa mga contingency tulad ng sickness, maternity, retirement, disability, at death. Magiging karapat-dapat din sila sa iba’t ibang mga SSS’ various loan program.


Noong Hunyo 2021, nakipartner ang SSS sa 1,374 local government unit (LGUs), 436 national government agency, 101 state universities at colleges (SUCs), at 63 local water districts na sumasaklaw sa 312,746 na mga job order workers sa pamamagitan ng KaltaSSS-Collect Program na may kabuuang koleksiyong P3.9 bilyon.


Hinimok ni Ignacio ang iba pang mga ahensya ng gobyerno at LGUs na magkaroon ng job order at kontrata ng mga service worker na sakop ng SSS sa pamamagitan ng KaltaSSS-Collect Program


“Regardless of their employment status, workers deserve to have a basic safety net in times of contingencies through SSS membership,” pagtatapos niya.


Para sa iba pang mga detalye at pag-update, sundan ang mga SSS social media account tulad ng Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” at Twitter sa “PHLSSS,” o sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates.”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page