Dilawang media na lang ang nagpapagrabe sa kumakalmang sitwasyon ng COVID sa bansa

ni Ka Ambo - @Bistado | January 9, 2021
Mishandled ba ang ginawa ng pulisya sa mga ebidensiya sa pagkamatay ng FA ng PAL sa isang hotel?
Eh, bakit dedma lang?
◘◘◘
Nakasisira sa reputasyon at kredibilidad ng pulisya ang sitwasyon sa kasong Dacera.
Maging ang official statement na “solved” na ang kaso—ay isang kahiya-hiyang sitwasyon.
Bakit ito pinalalampas ng Malacañang?
◘◘◘
Dapat nating maunawaan na halos mahigit isang taon na lang sa Malacañang si P-Digong, pero tila ang kanyang mga iresponsableng tauhan ang siyang sisira sa maganda nilang nagawa sa nagdaang apat na taon.
May pagkakataon pa si P-Digong, para makarekober sa serye ng kapalpakan ng pambansang pulisya.
Hindi naman kasi lahat ng police officials ay palpak, kumbaga sa pusoy, nagkakamali lang si P-Digong sa “tapon ng baraha”!
◘◘◘
Ang negatibong epekto ng halos 10-buwang lockdown ay unti-unti nang nararamdaman.
Aktuwal nang gumagapang ang ekonomiya!
◘◘◘
Hanggang ngayon, ang konteksto ng mga ulat tungkol sa COVID—ay may “halong pananakot” imbes na magpalakas ng loob sa mga nadidismayang populasyon.
Kahit bumaba nang todo ang negatibong datos, pinagagrabe pa rin ng media ang senaryo.
Hanggang ngayon ang kanilang ulat ay “gumagrabe” ang sitwasyon sa atake ng COVID.
Kasinungalingan ito ng media dahil malinaw na marami ang nakakarekober, kakaunti na ang bilang ng nagkakasakit at namamatay!
◘◘◘
Walang kakayahan ang media na ibigay ang “tumpak” na larawan ng sitwasyon kaya’t marami ang namamatay sa “stress”.
Ang ilang ulat ng pagkamatay ay hindi dahil sa pagkakasakit ng COVID, bagkus ay pagkamatay sa ilang sakit na posibleng bunga ng “stress”!
◘◘◘
Dahil sa palpak na ulat ng media, nagkakamali ng desisyon ang mga tao at inaakala nilang wala na silang pag-asang makaahon sa pagdarahop.
Dapat maunawaan ng lahat na ng COVID virus ay kusang mawawala.
Petsa lang ang hinihintay, imbes na lalo pang lumala.
‘Yan mismo ang ipinahihiwatig ng inilalabas na datos ng DOH.
Gayunman, siyempre, nagkukusa ang publiko na umiwas sa matataong lugar at nagkukusa rin na sumunod na sa protocol!
◘◘◘
Sa aktuwal, mas marami ang nananatili sa mga bahay kaysa sa bilang ng mga pasaway.
Pero sa media, tipong mas marami ang pasaway kaysa sa kusang sumusunod sa protocol!
◘◘◘
Hindi pinupuri ang buong populasyon sa bumababang bilang ng nagkakasakit—na halos nakadikit sa 1,000 imbes na 2,000 o 3,000 death sa ibang bansa.
Dapat nating maunawaan na ang datos sa ibang bansa ay higit na malala kumpara sa datos sa loob ng Pilipinas!
◘◘◘
Nagkakamal ng salapi ang mga ospital dahil sa pinalolobong hospital bills sa katwiran na COVID situation.
Kaawa-awa ang mga nagkakasakit—kaylaki ng hospital bills pero hindi iniimbestigahan ng mga awtoridad!





Comments