top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DIETHER, BIGLANG BINUHAY ANG ISYU NG KASAL NILA NI KRISTINE, BAD SHOT SA FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 1, 2023


Maraming netizens ang nag-react sa biglang paglutang ni Diether Ocampo at nag-viral ang kanyang interview kay Korina Sanchez sa show nito sa NET25. Muling naungkat ang kanilang nakaraan ni Kristine Hermosa na ngayon ay misis na ni Oyo Sotto at lima na ang kanilang anak.


Nagpakasal sina Kristine at Diether sa civil rites sa Jaen, Nueva Ecija noong Sept. 2004.


Ang mayor na si Antonio Esquivel ang nag-officiate ng kanilang kasal. Pero, walang ibinigay na wedding certificate sa kanila at ito ang naging ground for annulment.


Hindi nagtagal ang pagsasama nina Diether at Kristine at tuluyang naghiwalay.


Taong Jan. 2009, nag-file ng annulment si Kristine at na-grant naman ng Court of Appeals. Taong Jan. 2011 ay nagpakasal si Kristine kay Oyo Sotto.


Sa interview ni Korina Sanchez kay Diether Ocampo, nabanggit ang tungkol sa topic na kasal. At alam ng lahat na si Kristine ang pinakasalan noon ni Diether. At that time (2004), feeling ni Diet ay hindi pa siya handa sa malaking responsibilidad na kaakibat ng pagpapakasal kaya naghiwalay din sila ni Kristine.


At sa kanyang pansamantalang pamamahinga sa showbiz ay nagdesisyon siyang pumasok at mag-training sa Phil. Coast Guard noong 2014. Ngayon ay isa na siyang kapitan sa Phil. Coast Guard at aktibo sa serbisyo.


Sa ginanap na reunion ng mga dating Star Magic stars ay dumalo si Diether Ocampo at dito ay muli niyang nakita ang mga dating co-artists sa ABS-CBN. Maraming masasayang memories ang muling nagbalik kay Diet. Pero, maraming netizens ang hindi pabor sa pagpapa-interview niya kay Korina. Tahimik at masaya na kasi ang buhay ngayon ni Kristine sa piling ni Oyo Sotto. Ngayon, muli na namang nahahalungkat ang nakaraan nila ni Diether Ocampo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page