top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Diego, shocked na shocked… SUE, NAPIKON SA MAIINGAY SA TAPING, NAGSISIGAW AT NAGTATALAK

BULGAR
Jun 1, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 1, 2022


Inamin nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga na sobrang saya at na-excite sila nang malaman na sila ang magkasama sa pelikulang How to Love Mr. Heartless na ongoing ngayong isinu-shoot sa Baguio City ni Direk Jason Paul Laxamana produced ng Viva Films.


Matagal na raw kasing magkaibigan ang dalawa at napanood namin ang jamming nila sa Chill-Out sa awiting With You kung saan ginugulo naman sila ni Alex Gonzaga habang sumasayaw si Robi Domingo.


Fast forward, matagal nang hindi nagkita ang dalawa kaya nu’ng nagkasama sila ay hindi matapus-tapos ang mga kuwentuhan nila para i-update ang isa’t isa.


Base sa ginanap na virtual mediacon ng How to Love Mr. Heartless ay ang ganda ng chemistry nina Diego at Sue at bagay nga silang love team, eh.


Ang saya-saya raw ng shooting nila sa Baguio kahit mahirap dahil limited lang ang panahon nila, kaya marami silang eksenang kailangang tapusin sa loob ng isang araw.


“First day, bilad kami sa araw (mango grove). I think bonding kami kaagad because mahirap mag-shoot like Direk (Jason Paul) said, 'yung time namin was very short and we have to shoot a lot of scenes on that day and emotional ‘yung kakulitan ng day.


“Behind the scenes, kami ni Sue, nagkuwentuhan kami about the years had passed na hindi kami magkausap. And where she is in now, I’m happy and where she is now in life, I’m happy. I love hearing stories na she had her house na. Sana, ako rin, malapit (magkabahay). She’s happy with her love life, personal life, set in life. I’m really happy for my friend now,” paglalarawan ni Diego kay Sue.


At may ibinuking ang aktor na bandang 2 AM ay nakarinig siyang tumatalak si Sue.


“Oh, my God! Okay lang bang ikuwento ko?” sabi ni Diego na tipong nagpaalam muna kay Sue.


May eksena raw kasi sila na maingay ang ibang tao na hindi naman sinisita ng direktor dahil hindi nga raw ito nagagalit sa set.


“Itong si Sue, she stood up! The scene kasi was in a classroom, it’s like two in the morning, you’re all tired, all lights on, walang aircon. Ang ingay, ayaw tumahimik ng ibang tao, ang iingay nila.


“I was outside talking to our production design, biglang may narinig akong sumisigaw na, ‘Ano, ayaw ninyong ayusin? Kami, inaayos namin ang trabaho namin!'


“(Nagulat) Ano ‘yun? Ako naman, sugod sa loob ng classroom. Ano'ng nangyari dito, bakit parang may nag-aaway? Siyempre, resbak ako para kay Sue, hahahaha! Handa na ako kung ano'ng (mangyayari). Sabi ko, ‘Sino'ng umaaway kay Sue?’


“'Yun pala, may mga pasaway, may mga maingay. So, sabi ko kay Sue na we have each other’s back, so bonded kami with the group,” masayang kuwento ni Diego.


Ang kuwento naman ni Sue, “May isang beses na hindi na ito sa set, sinira ko ang diet ni Diego. Sabi niya, ayaw niyang kumain, eh, inilatag ko lahat ng food sa harap niya, tapos hindi rin niya natiis, kumain din siya. So, pero ang inaasar ko lang parati, kasi very conscious siya, galing siyang US, may one time na na-break ko si Diego, so, masaya na ako ru'n.


"Sa set kasi, we had each others’ back and everyone was willing to… si Direk, kapag nakita niyang napapagod na ang mga tao, bigla ‘yang magpe-play ng mga kalokohan.


“Si Diego, kumakanta kasama ng mga ex (girlfriends) niya. Hahaha!" pambubuking pa ni Sue kaya napahiyaw ang aktor.


"So, ganu’n ‘yung sa set, feeling mo, mga barkada mo lang ang mga nandoon, walang dahilan para mahiya, walang dahilan para mailang. So, ganu’n ‘yung feel na ibinibigay sa ‘yo kaya sobrang komportable mo ring nagtatrabaho," dagdag ni Sue.


Kitang-kita nga na ‘barkadahan’ ang atmosphere ng mga nasa set ni Direk Jason Paul at nakita iyon sa kuwento ng How to Love Mr. Heartless na mapapanood na sa Vivamax Plus sa June 10 at Vivamax, June 17.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page