Diaz, malakas pa sa 2023 SEAG; Valdez-Ravena, break na?
ni MC - @Sports | May 27, 2022

Matapos masungkit ang ika-2 gold medal sa 31st SEA Games, nanatili pa ring malakas si Hidilyn Diaz para sa 2023 edition ng binneal meet sa Cambodia.
Ayon kay Samahan ng Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, nakaplano na rin ang 31-anyos na si Diaz para sa susunod niyang mga iskedyul kabilang na ang 32nd SEA Games, Asian Games, Asian Championships at ang World Championships.
Kasama sa prestihiyosong torneo, naniniwala si Puentevella na madodomina muli ni Diaz ang next SEA Games.
Samantala, naglabas naman ng statement si Volleyball star Alyssa Valdez sa lahat ng kanyang fans na "avoid making up stories & spreading false rumors" sa kabila ng mga espekulasyon na split na sila ni basketball star Kiefer Ravena.
Ginawa ni Valdez ang statement kahapon at ibinahagi ito sa tweeter ng kanyang talent agency, VMG Asia. "A lot of speculation has been made. We appreciate the concern but this decision does not involve any party," saad ng VMG. "Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa's decision to keep things private."
Pinasalamatan din ng VMG Asia ang supporters ni Valdez at anila panahon na lang ang magkapagsasabi hinggil sa issue. Ang umugong na breakup ng Valdez-Ravena ay nangyari matapos ang Southeast Asian Games nang hindi maka-podium ang women's volleyball team.





Comments