top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Diamante, nagningning muli sa COPA Reunion Swim Challenge

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2022
  • 1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 23, 2022



Nagsalo sa tagumpay sina Nicola Queen Diamante at Paulene Beatrice Obebe matapos madomina ang kani-kanilang age-group class sa pagsisimula ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) Reunion Swim Challenge 3rd leg nitong Sabado sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Center sa Malate, Manila.


Ang 11-anyos na si Diamante mula sa RSS Dolphins Swim Club ay nanguna sa girls class A ng 50-m butterfly sa oras na 34.72 segundo at sa 50-m freestyle (31.69) para simulan ang kampanya na mapantayan ang matikas na apat na gintong medalyang napagwagihan sa second leg ng tournament nitong Agosto.


Nag-training lang po kami ni coach kahit balik na sa school at nabawasan yung load sa oras.


Yung mission ko po kasi talaga every tournament malagpasan ko yung personal best ko at manalo ng gold medal,” pahayag ni Diamante, nagningning din sa nakopong 7 gold medal sa COPA’s Novice Swim Fest sa nakalipas na buwan.


Laban sa mga karibal na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan at ilang koponan ng probinsiya, nagtagumpay si Obebe sa girls 12-yrs 50-m freestyle Class A (29.97) at 50-m butterfly (31.22) sa grassroots developmental tourney na inorganisa ng COPA sa tulong ng Samahang Manlalangoy ng Pilipinas (SMP), Philippine Sports Commission (PSC).


Sinisikap nina Diamante at Obebe na ipagpatuloy ang kanilang winning run habang nagpapatuloy ang aksyon ngayong araw (Linggo). Sinabi ni Tournament Director Chito Rivera na bukod kina Diamante at Obebe, ilang mga swimmers sa lower class ang muling nagwagi na pagpapatunay na ang serye ng kompetisyon ay nakatutulong para sa pagpapabuti at pagpapanatili ng kanilang mental preparedness.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page