top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Di umubrang pangulo… KALAT NA: ISKO, TATAKBONG SENADOR SA 2025

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2024
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 9, 2024



Showbiz News

Maugong ang tsikang muling sasabak sa pulitika si Yorme Isko Moreno sa 2025 election, kaya panay na ang kanyang pag-iikot ngayon at napapadalas ang exposure niya sa telebisyon. 


Pero, wala pang pormal na pahayag ang kampo ni Yorme kung ano ang tatakbuhin niyang posisyon, kung senador ba o muli siyang babalik bilang mayor ng Maynila.


Marami siyang supporters na nakikiusap na bumalik siya bilang mayor ng Maynila pero papaano na raw si Mayora Honey Lacuña kung sakaling babalik siya?


May ilang netizens naman ang nagsasabing baka ang pagiging senador ang next target ni Yorme Isko. Kung hindi nga sana siya tumakbo noon bilang pangulo na katapat ni PBBM at sa pagiging senador ang kanyang pinuntirya, sure win na siya at baka makapasok pa sa Top 10 Senators. 


Aabangan na lang sa October na umpisa ng filing ng candidacy kung ano'ng posisyon ang tatakbuhin ni Isko Moreno.



AYON kay Mariel Rodriguez, hindi nila pinag-aawayan ni Sen. Robin Padilla ang pera o money matters. Mula nang magpakasal sila ay hindi nila naging problema ang tungkol sa usaping pinansiyal. 


Kung ano raw ang kinikita ni Mariel sa kanyang negosyo at pagla-live selling ng kanyang mga branded bags and shoes ay sarili niyang pera ‘yun at hindi pinakikialaman ng kanyang mister. 


Hindi rin naman tinatanong ni Mariel kung magkano ang talent fee ni Robin sa kanyang mga tinatanggap na endorsements. Never na pinakialaman ni Mariel ang pera ng mister basta nagbibigay ito para sa basic needs ng kanilang pamilya, pambayad sa mga bills, pang-groceries, tuition ng kanilang mga anak, suweldo ng mga helpers at mga kailangan sa bahay. 


Kung may gusto mang bilhin si Mariel ay sarili niyang pera ang kanyang ginagasta at hindi nanghihingi kay Sen. Robin. ‘Yun ang sikreto kung bakit hindi sila nag-aaway nang dahil sa pera. Maayos ang kanilang setup sa aspetong pinansiyal.



TUTULUNGAN daw ng OWWA ang babaeng biktima ng pambabasa sa Watta Watta Festival ng San Juan City. 


Isa itong single mom na nag-a-apply ng trabaho abroad upang maitaguyod ang kanyang mga anak. For final interview na sana ito ng employer abroad na naka-schedule nu’ng June 24 na piyesta sa San Juan. 


Mismong ang employer ang pumunta ng ‘Pinas para sa interview ng mga aplikanteng pumasa. Dala ng babae ang lahat ng kanyang papeles na original copy lahat, pero sa kasamaang-palad ay nadako siya sa San Juan kung saan naganap ang basaan.


Todo-pakiusap siya na huwag siyang basain dahil may job interview siya. Pero, binasa pa rin siya at pati ang kanyang mga papeles ay nadamay. Kaya, gumuho ang lahat ng pangarap ng nasabing single mom. 


Nag-viral sa social media ang sinapit ng babaeng naging biktima ng basaan sa San Juan, marami ang naawa at nabagbag ang loob.


Napanood ito ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio at nangakong tutulungan ang single mom na makakuha ng trabaho abroad. Kaya, pinako-contact na nila ang nasabing babae. 


Dapat ding tulungan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang kawawang babae at bigyan ng karampatang parusa ang mga abusadong nambasa na walang respeto sa kababaihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page