top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di umubrang Drama Princess… JILLIAN, "STAR OF THE NEW GEN" NG GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 8, 2023



May title na si Jillian Ward, siya ang “Star of the New Gen,” kaya hindi na siya aawayin ng mga fans ni Yasmien Kurdi dahil kay Yasmien lang daw ang title na ‘Daytime Princess” ng GMA-7.


Sa bagong title ni Jillian, wala siyang ka-share, solo niya ang title na bagay naman sa kanya dahil sa pagiging consistent ng ratings ng kanyang seryeng Abot-Kamay na Pangarap na one year nang top-rated.


Nag-celebrate ang afternoon series ng one-year anniversary at dahil nangunguna pa rin ito, hindi pa magawang tapusin ang nasabing medical drama.


Kung hindi pa nababago, hanggang January 2024 pa raw ang extension ng Abot-Kamay na Pangarap, kaya matagal pang makakasama ng mga viewers at ng kanyang mga fans si Dr. Analyn Santos, ang pangalan ng karakter ni Jillian sa series.


Sikat nga si Jillian at napanood namin ang mga videos ng mall shows niya, guest appearances at talaga namang nagkakagulo ang mga tao.


Ang dami nang nagawang series ni Jillian na homegrown Kapuso talent at malapit na rin siyang mapanood sa pelikula nila ni Sen. Bong Revilla, Jr..


Naikuwento ni Jillian na ina-update siya ni Senator Bong sa kaganapan sa pagsasamahan nilang pelikula na Lagot Ka sa Tatay Ko at excited na rin si Jillian na magsimulang mag-shooting.


Samantala, magge-guest si Jillian bilang si Dr. Analyn Santos sa Royal Blood o baka lumabas na ang episode na guest siya.


Siya kasi ang gagamot o mag-oopera kay Lizzie, ang anak ni Dingdong Dantes sa Royal Blood na naaksidente kasama ang tita niyang si Beatrice (Lianne Valentin).

Nakunan na ang eksena, kaya hintayin na lang nating lumabas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page