‘Di umubra kina Kate Blanchett at Halle Berry… SYLVIA, PROUD NA NAKA-SELFIE ANG HOLLYWOOD ACTOR NA SI JAMES FRANCO
- BULGAR

- Jun 10, 2025
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 10, 20255
Photo: Sylvia
Proud na proud na ibinalita ng magaling na aktres at Nathan Studios producer na si Ms. Sylvia Sanchez sa ginanap na intimate get-together kahapon with the entertainment press sa Solaire Resort Fresh ang kanyang experience sa Cannes Film Festival few days after ng election dito sa ‘Pinas last May 12.
First time kasing rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France as producer si Ibyang (palayaw niya) — kasama ang co-producer niyang si Alemberg Ang ng Daluyong Studios — sa Japanese film na Renoir na pasok sa main competition ng most prestigious filmfest in the world.
At siyempre, bilang sila lang ang Pinoy producers na nandu’n para i-represent ang kanilang pelikula, kaya naman ganu’n na lang ka-proud at nag-fangirling talaga ang mommy nina Cong. Arjo at Ria Atayde nang makipag-rubbing elbows sa mga sikat na Hollywood stars na dumalo rin sa event tulad nina Kate Blanchett, Halle Berry at James Franco.
Kuwento nga ni Ibyang, bigla siyang na-starstruck at hindi agad nakuha ang kanyang cellphone para makapagpa-selfie sana kay Kate Blanchett nang makasalubong niya ito, gayundin kay Halle Berry.
Pero ang tuwang-tuwa at bilib na bilib siya ay kay James Franco na pumasok na raw sa isang room pero bumalik pa para mapagbigyan lang siya sa request niyang selfie. Kaya naman, kilig na kilig si Ibyang dahil bihirang pagkakataon nga naman ‘yung kasalamuha mo ‘yung mga pinapanood mo lang na Hollywood actors.
Inamin din ni Sylvia na totoong hindi biro ang perang inilabas niya bilang co-producer ng Renoir, pero naisip daw niyang malaking opportunity na nakapasok ang Japanese film sa Cannes para makilala ang Nathan Studios sa international scene, bukod sa ipapalabas ang pelikula sa iba’t ibang bansa maliban dito sa Pilipinas, kung saan nagpahayag na ang QCinema na isasama ang pelikula sa kanilang film festival.
Samantala, naitanong ni katotong Rommel Gonzales kung may plano bang magsama sila ni Arjo sa isang pelikula.
Ani Ibyang, may offer nga sa kanila ni Arjo pero hindi raw muna ngayon dahil naka-focus ang anak na kongresista sa pagiging public servant nito. Ayaw daw ni Cong. Arjo na may masabi ang kanyang mga constituents na napapabayaan nito ang kanyang tungkulin sa District 1 ng Quezon City, kaya in fact, 10 teleserye-pelikula na raw ang tinanggihan ng mister ni Maine Mendoza.
Although ibinulgar din ni Ibyang na matagal nang pangarap ni Arjo na maging Hollywood actor. Ang plano nga raw nila noon ay mag-audition nang mag-audition si Arjo sa Hollywood para maka-penetrate ito after winning twice as Best Actor internationally.
Una, sa Asian Academy Creative Awards last 2020 para sa Bagman at pangalawa, sa ContentAsia Awards 2024 for his role as Anton dela Rosa in Cattleya Killer.
Kaya lang, napunta nga raw sa pulitika si Cong. Arjo at masaya ito sa kanyang ginagawa kaya hindi muna nito mabigyan ng panahon ang showbiz.
Naitanong namin kay Sylvia ‘yung nabanggit niya noon na kung magpo-produce ng movie sina Arjo at Maine, ang gusto nila ay magkasama sila.
Pero paglilinaw ng magaling na aktres, ang totoo ay ayaw daw magsama nina Arjo at Maine sa isang pelikula, na kung anuman ang reason ay hindi na niya nabanggit.
At kung si Cong. Arjo ay enjoy na enjoy sa pagiging public servant, si Sylvia naman ay super busy at passionate sa pagiging producer.
In fact, after Renoir, may next movie na siyang isu-shoot soon kung saan isa siya sa main cast mula sa kanilang Nathan Studios production company.
Ria ang title ng movie, kung saan ang kuwento nga ni Ibyang, first time niyang gaganap sa role na punky mom na tadtad ng tattoo ang buong katawan.
Excited na siyang simulan ang pelikula na balak din nilang isali sa mga filmfests abroad.
Bukod dito, may isa pa silang movie mula sa Nathan Studios, ang ImPerfect na ang mga bida ay mga batang may down syndrome at balak nila itong isali sa Metro Manila Film Festival dahil pambata at pampamilya ang pelikula.
Kaya naman, punumpuno talaga ang schedule this year ni Sylvia Sanchez. Bongga!!!






Comments