ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 15, 2024

Marami ang hindi pabor sa inamin ni Jericho Rosales na nasa "dating" stage na sila ni Janine Gutierrez.
Dati ay kay Kathryn Bernardo gustong pumorma ni Echo matapos ang breakup nina Kathryn at Daniel Padilla. Pero hindi nga nakasingit si Echo dahil naunahan na siya ni Alden Richards, at ngayon, biglang-bigla ay kay Janine naman siya pumoporma.
Nagpaalam pa raw si Jericho sa mom ni Janine na si Lotlot de Leon.
Pero para sa ilang netizens, hard sell ang style na ito ni Jericho na ayaw paniwalaan ng publiko. Wala raw silang chemistry ni Janine at wala ring kilig factor 'pag magkasama sila.
Para silang mag-kuya dahil sa kanilang age gap na 10 yrs.. Forty-four na si Echo at 34 lang si Janine.
Ibang-iba raw sila kina Maris Racal at Rico Blanco na kinakikiligan ng marami kahit 25 years ang agwat ng edad.
May mga nagsasabing career move para kay Jericho ang kanyang panliligaw kay Janine dahil may serye sila ngayon.
Kahihiwalay lang ni Echo sa kanyang wife na si Kim Jones, kaya hindi kapani-paniwala na si Janine ang kanyang bagong karelasyon. Magaling namang aktor si Jericho, hindi na niya kailangan ang ka-love team.
Obyus sa hitsura na todo-in love, Xian…
KIM, SUPER-BILIS DAW BUMIGAY KAY PAULO

MARAMING KimPau fans ang kinilig sa cabinet scene nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa seryeng What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK) dahil mukhang tinotoo nila ang kanilang kissing scene. Bumigay nang todo ang Chinita Princess at hindi na acting kaya nahalata na may something na sa kanilang relasyon.
Maging ang mga hosts ng It’s Showtime (IS) ay nakikita na rin ang magandang aura ni Kim at halatang in love raw ito. Kahit hindi niya diretsahang aminin, kitang-kita sa body language ni Kim na may nagpapasaya ngayon sa kanyang puso.
At maging si Paulo Avelino na dati ay umiiwas na pag-usapan ang kanyang love life ay nagse-share na ngayon sa press ng kanyang buhay-pag-ibig.
Napakabilis ng mga pangyayari at marami ang nagulat sa kaganapan ng kanilang romansa. Mabilis na naka-move on si Kim sa breakup nila ni Xian Lim dahil kay Paulo.
Ang aktor ang naging shoulder to cry on ni Kim, kaya na-fall siya rito. At dahil maraming kinikilig sa kanilang tambalan, may movie silang gagawin na tiyak na magugustuhan ng kanilang mga fans.
BAGO pa inilibing si Mother Lily Monteverde ay binigyan siya ng tribute ng mga opisyales ng MOWELFUND (Movie Workers Foundation) at personal na inihatid ang isang letter of appreciation para sa yumaong Regal matriarch.
Ilang taon ding naging aktibo si Mother Liliy sa mga charity projects ng MOWELFUND. Gusto niyang makatulong sa maliliit na manggagawa sa movie industry na karamihan ay miyembro ng MOWELFUND.
Ayon din kay Ms. Boots Anson-Rodrigo (chairman ng MOWELFUND), nagpapadala si Mother Lily ng kanyang financial assistance sa foundation kahit na hindi sila nagso-solicit.
Two years ago ay personal pa raw na dinala ni Mother Lily sa MOWELFUND Office ang kanyang donation na P500 thousand.
Minsan, sa mismong kaarawan ni Mother Lily ay nagbigay siya ng P1 million cash, kaya malaki ang pasasalamat ng lahat ng bumubuo sa MOWELFUND sa pangunguna nina Boots Anson, Rez Cortez (president) at mga Board Members na sina Gina Alajar, Boy Vinarao, Jim Baltazar, Julius Topacio, Dingdong Dantes at Alden Richards.
Naging advocacy na ni Mother Lily Monteverde ang pagtulong sa mga maliliit na movie workers, kaya hindi malilimutan ng lahat ang naging ambag niya sa movie industry.
Comentarios