'Di umubra kay John Lloyd… SANYA, SI MARCO ANG BAGO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 25, 2022

Hindi si John Lloyd Cruz kundi si Marco Gumabao ang makakapareha ni Sanya Lopez sa bago niyang seryeng gagawin sa GMA Network.
Pahinga muna sa ngayon ang tambalan nila ni Gabby Concepcion na big hit sa First Yaya at First Lady. Ayaw naman nilang maumay sa kanilang tandem ang mga viewers.
Kaya binigyan ng GMA-7 ng bagong leading man si Sanya. Ito ay ang hunk actor na si Marco Gumabao.
Open naman si Sanya sa pagsasabing si John Lloyd ang kanyang pangarap at ultimate leading man.
Pero, abala pa rin ngayon si Lloydie kaya okay lang kay Sanya na si Marco ang kanyang makapareha.
Ang mahalaga ay magiging abala ulit siya sa trabaho. At gusto rin naman niya na ma-experience ang makatrabaho ang ibang aktor gaya ni Marco Gumabao na dating Kapamilya.
For sure, makakasundo ni Sanya Lopez si Marco Gumabao dahil mabait ito, gentleman at hindi maangas.





Comments