top of page
Search
  • BULGAR

'Di umaamin in public pero… BALIKANG DOMINIC-BEA, BUKING DAHIL SA ASO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 12, 2024




Kasabay ng National Pet's Day kahapon, April 11, nag-post ang dating aktor-turned businessman na si Dominic Roque sa kanyang Instagram account ng tinawag niyang "Ran-Dom" photos niya, kung saan sa huling frame o picture, isang cute na white fur baby ang makikitang nakasubsob ang baba sa isang couch.


Bagama't walang detalyeng sinabi si Dominic sa kanyang caption sa IG post niya, agad namang nakilala ng mga fans na aso ni Bea Alonzo na si Walter ang ipinost ni Dom.


Dahil dito, may mga kinilig na at naghanap pa nga kay Bea ang iba dahil bakit nga naman aso lang ng aktres ang ipinost ni Dom at hindi ang fur mommy nito?


Based sa mga comments sa IG post ni Dominic, feeling ng mga netizens ay nagkabalikan na ang dalawa pero ayaw lang daw sigurong umamin ng mga ito para private na ang kanilang relasyon at hindi na pagpiyestahan pa ng mga Marites sa social media.


Well, kung tama ang pagkakakilala namin kay Bea, hindi naman sa hindi siya proud sa relasyon nila ni Dominic, pero siguro nga, after ng mga iskandalo involving their relationship, lesson learned na sa kanya ang nangyari kaya pinili na lang nilang gawing tahimik at pribado ang kanilang pagmamahalan para wala nang maraming nakikialam.


Samantala, naaliw kami sa comment ng isang netizen na ang sabi, "Bea's foot on the 8th photo. Zoom in to check."


Oh, 'di ba, pang-NBI ang talent ng netizen na 'yun kung makapaghanap ng ebidensiya just to prove na kasama ni Dominic si Bea nang kunan niya ng picture ang fur baby ng aktres na si Walter habang nasa couch.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page