top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di ubrang tumira sa Paris… HEART, 'DI MAIWAN ANG MGA ASO AT BRANDED COLLECTIONS SA 'PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 22, 2022



Hindi magiging madali para kay Heart Evangelista ang basta na lang iwanan ang kanyang bahay at mga pet dogs sa 'Pinas kahit pa gusto na niyang mamalagi at manirahan sa Paris.


Unang-una, hindi niya madadala ang lahat ng kanyang pet dogs sa Paris dahil walang mag-aalaga.


At sa dami ng kanyang collection ng mga branded outfits, bags, shoes at mga mamahaling kitchen wares, magkakasya ba ito lahat sa kanyang apartment sa Paris?


Tiyak na iiwanan din ni Heart ang karamihan sa kanyang mga gamit at collections.


Puwedeng pauwi-uwi na lang siya ng 'Pinas kapag wala siyang commitments sa Paris, France.


For sure, mami-miss din ni Heart ang kanyang immediate family, ganoon din ang mga kaibigan sa fashion world.


Well, may mga netizens ang nagtatanong kung kumusta na kaya ang kontrata ni Heart sa GMA Network? Ayaw na ba niyang mag-artista?


Nagpapa-release na rin ba siya tulad ni Derek Ramsay?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page