'Di ubra dahil nandu'n si Robin… ALJUR, OUT SA B-DAY PARTY NI KYLIE DAHIL KAY ROBIN
- BULGAR
- Jan 25, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 25, 2023

Ngayong Jan. 25 ang 30th birthday ni Kylie Padilla, pero three days ago ay binigyan na siya ng surprise birthday party ng kanyang Papa Sen. Robin Padilla.
Nagpahanda ng isang party si Sen. Robin para sa kanyang paboritong anak na si Kylie.
Blue and yellow ang motif sa venue.
Dumating at nakisaya ang ilang non-showbiz friends ni Kylie at mistulang debutante ang aktres nang isayaw ng kanyang Papa Robin at bigyan ng blue rose.
Sobrang nagulat at natuwa si Kylie sa surprise birthday na inihanda ng kanyang Papa Robin.
Wala sa party si Aljur Abrenica for obvious reason. Nandoon kasi ang kanyang father-in-law.
So far, nakakaya naman ni Kylie ang pagiging single mom. Naitataguyod niya ang dalawa nilang anak ni Aljur. May career si Kylie at may mga projects sa GMA Network.
After Bolera, nasa lead cast si Kylie ng Mga Lihim ni Urduja kasama sina Sanya Lopez at Gabbi Garcia. Policewoman ang role rito ni Kylie kaya tiyak na may mga fight scenes siyang gagawin.





Comments