top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

‘Di totoong break na… DOMINIC, TODO-SUPORTA KAY SUE SA PINAGDARAANAN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 20, 2026



Sue Ramirez at Dominic Roque - IG

Photo: Sue Ramirez at Dominic Roque - IG




Nagdadalamhati pa rin si Sue Ramirez sa pagpanaw ng kanyang inang si Concepcion ‘Chit’ Garina Dodd last August 17.


Hanggang ngayon ay iyak pa rin nang iyak ang aktres at araw-araw niya pa ring iniisip ang mommy niya.


Nag-post ang aktres ng mga family photos nila na kasama ang kanyang ina sa iba’t ibang okasyon. Sa caption ay sinabi niyang happy siya na parati siyang dinadalaw ng nanay niya sa kanyang panaginip kaya looking forward siya lagi na matulog.


“Araw-araw kitang iniisip, Mi. Isang buwan na ang nakalipas. Sobrang saya ko na palagi mo akong dinadalaw sa panaginip ko. Looking forward ako lagi matulog kasi baka ‘andu’n ka. Laging nakangiti. Laging masaya,” sey ni Sue.


“Balik-balik ka lang sa panaginip ko, ha? Kahit araw-araw pa,” mensahe pa ng aktres sa yumaong ina.


Nakisimpatya naman ang boyfriend niyang si Dominic Roque at nag-react ng tatlong heart emojis. 


So, safe to say na hindi totoo ang tsikang split na sila, tulad ng haka-haka ng ibang mga netizens.





Inanunsiyo na ang 26 na pelikulang kalahok at maglalaban-laban sa inaabangang CinePanalo Film Festival 2026.


Sa ginanap na grand mediacon last Thursday, isa-isang ipinakilala ang mga direktor at cast members ng mga napiling entries for this year.


Dumalo para sa coming-of-age film na Apol of My Ai ang direktor nitong si Thop Nazareno, kasama sina Zion Cruz at Rochelle Pangilinan.


Kinatawan naman ng producer na si Meg Bryan Bermudez ang fantasy film na Beast, kasama ang supporting cast nitong sina Candy Pangilinan, Karl Medina, Ruslan Jacob at Dax Alejandro. Ito’y pinagbibidahan ng award-winning actor na si John Arcilla.


Ang tahimik ngunit makabagbag-damdaming drama na Mono No Aware ay kinatawan sa event ng direktor nitong si BC Amparado, producer na si Patricia Salic at lead actor na si Juan Karlos Labajo.


Dumalo rin sa mediacon ng CinePanalo 2026 ang direktor ng supernatural at hayagang queer na pelikulang Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo) na si Rodina Singh, kasama sina Sassa Gurl, Joao Constancia, Phi Palmos, Gaia Poly at Inah Evans.


Samantala, tampok sa kakaibang love story na Patay Gutom sina Khalil Ramos, Cris Villanueva at Alwyn Uytingco, kasama ang mga directors na sina Carl Joseph Papa at Ian Pangilinan.


Umakyat naman sa entablado si Mikko Baldoza para sa romantic-comedy na may nakamamatay na twist na Stuck on You, kasama ang lead stars na sina Xyriel Manabat at River Joseph.


At panghuli, dumalo si Direktor Joseph Abello upang ipakilala ang Wantawsan, ang kanyang ‘slice of life’ comedy na may kakaibang twist na umiikot sa isang pulitikal na suliranin. Hindi nakadalo sa mediacon ang lead star nitong si Joross Gamboa.

Dumalo rin sa CinePanalo event ang 19 filmmakers na kalahok sa Student Shorts category ngayong taon.


Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa, ang bagong henerasyon ng mga boses sa mundo ng pelikula ay sabik na mag-iwan ng marka sa paparating na festival ngayong taon.


“Every film in this year’s CinePanalo carries the passion of its creators,” ayon kay Ivy-Hayagan Piedad, Festival Chair of Puregold CinePanalo.


“Giving these stories a platform where audiences can experience and celebrate them is our way of supporting Filipino artistry and contributing to the continued growth of Philippine cinema,” aniya.


Magsisimula ang CinePanalo Film Festival 2026 mula September 23 hanggang October 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page