‘Di tinanggap bilang Hope sa Hollywood… LIZA, BALIK SA PAGGAMIT SA DATING PANGALAN
- BULGAR
- 14 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 6, 2025
Photo: Liza Soberano - IG
Nag-post sa social media si Liza Soberano tungkol sa kanyang ceremonial first pitch mula sa game ng Los Angeles Dodgers at New York Mets kasabay ng Filipino Heritage Night.
May caption ito na: “So honored to be amongst all my kababayans throwing the first pitch at the Dodgers vs. Mets game for Filipino Heritage Night! I was so nervous, but I think I did okay?”
Mapapansing “Liza” ang ginamit niyang pangalan, hindi na ang “Hope” na una niyang ginamit nang tumapak siya sa Hollywood.
UMALMA ang Viva Artist Agency sa kumakalat sa social media tungkol sa isang Facebook (FB) page na gumagamit ng ‘deepfake video’ tampok si Anne Curtis sa panloloko ng mga tao.
Naglabas ng pahayag ang VAA upang magsilbing paalala at babala na gumagamit ng panlolokong ito.
Ito ang pahayag ng Viva Artist Agency:
“It has come to our attention that a certain Facebook page is using the image of one of our artists, ANNE CURTIS-SMITH, illegally without any authority whatsoever.
“Please be informed that Anne is NOT connected in any way to the said Facebook page. The video is DEEPFAKE, a product of AI (Artificial Intelligence), and was made without the consent of Anne nor of Viva.
“We do not condone such acts, and those found responsible shall be dealt with severely and held civilly and criminally liable to the maximum extent possible under the law.
“We urge the public to be vigilant and discerning of online scams and illegal uses of AI to mislead and spread fake information.”
Talo sa pagka-gov., lucky sa showbiz…
LUIS, MAY 3 BAGONG SHOWS AT 3 DING ENDORSEMENTS
BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik-showbiz ni Luis Manzano. Kahit hindi nanalo sa 2025 elections bilang vice-governor ng Batangas, winner naman siya sa biyayang natanggap.
Tatlo ang game shows na gagawin ni Luis: ang Rainbow Rumble (RR), Minute to Win It (MTWI), at ang Deal or No Deal (DOND).
Bukod d'yan, may tatlo ring pumasok na product endorsements para sa kanya.
Totoo ang kasabihan na, ‘Sa bawat pintong nagsasara, may bintanang nagbubukas.’
Good luck, Luis. Lucky ka talaga!
INILABAS na ng ABS-CBN ang trailer para sa napapanahong teleserye nito, ang inaabangang crime thriller mystery drama na Sins Of The Father (SOTF) na sesentro sa buhay ng mga naging biktima ng iba’t ibang scams.
Pangungunahan ni Gerald Anderson ang SOTF bilang si Samuel na guguho ang mundo dahil sa isang scam kung saan kasangkot ang kanyang ama. Mapapanood ito simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC simula Hunyo 23 (Lunes).
Sina Shaina Magdayao, JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, Seth Fedelin, Lotlot de Leon, Joko Diaz, Soliman Cruz, Jerald Napoles, Nico Antonio, Alex Medina, Aubrey Miles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, JV Kapunan, Elyson De Dios, at Tirso Cruz III ang kasama sa cast. May special participation din dito si John Arcilla bilang ama ni Samuel (Gerald).
Mula ang SOTF sa JRB Creative Productions sa pangunguna ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez.
Isinulat ito ni Dindo Perez at sumasailalim sa direksiyon nina FM Reyes at Bjoy Balagtas.
Alagad ng sining at boses daw ng masa…
SEN. ROBIN, ISINUSULONG NA MAGING NATIONAL ARTIST SI KA FREDDIE
IPINAPANUKALA ni Senator Robin Padilla na kilalanin si Freddie Aguilar bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.
Saad ni Senator Robin, “Hindi lang s’ya mang-aawit. Si Ka Freddie ay simbolo ng musika na may saysay. Panahon na para kilalanin natin s’ya bilang Pambansang Alagad ng Sining dahil siya ay tunay na alagad ng bayan.
“Hindi lang ito tungkol sa musika. Si Ka Freddie ay naging boses ng masa. Ang kanyang sining ay salamin ng kalagayan ng Pilipino—masakit, totoo, at makabuluhan.”
Sa Senate Resolution No. 1364 na inihain nitong Hunyo 3, iginiit ni Senator Robin na ang mga likha ni Ka Freddie ay nagsilbing tinig ng mamamayang Pilipino, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na kinaharap ng bansa sa loob ng maraming taon.
Comments