top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di takot sa bashers… TONI: WALA AKONG INUURUNGANG LABAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 20, 2022



Pagkatapos lang ng announcement para sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga, ang I Am… Toni na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa Jan. 20, 2023 (Toni's b-day), may mga reactions na ang iba't ibang sector.


Marami sa mga bashers ng actress-TV host ay hindi pa rin tumitigil sa kanilang misyon na pabagsakin ang career ni Toni. Nagpapakalat ang mga ito ng bali-balitang hindi raw kakagatin ng publiko ang I Am… Toni anniversary concert dahil nga naging supporter siya ni Pangulong BBM.


May ilang grupo naman ang nagsasabing isasabotahe nila ang I Am… Toni at hindi nito mapupuno ang Araneta Coliseum. Tiyak kasing karamihan sa mga guests ni Toni sa concert ay mga artista-singers na maka-BBM din.


Well, sa lahat ng mga haka-hakang ito ng mga bashers ni Toni, mas lamang pa rin ang nagsasabing magiging big hit ang I Am… Toni concert at magiging memorable at star-studded.


At kung nagustuhan ng mga fans ang 10th anniversary concert noon ni Toni, ang Toni G@10 na sa Araneta Coliseum din ginanap, mas magiging memorable at star-studded ang I Am… Toni concert.


Mas humusay na bilang singer-performer si Toni Gonzaga. Buong-buo na ang tiwala niya sa sarili.


At patutunayan niyang maraming pagbabago ang naganap sa kanyang buhay at career sa nagdaang 20 years niya sa showbiz.


At ngayon, madalas niyang sabihin na wala siyang inuurungang laban. At kung nakaranas man siya noon ng mga rejections at kabiguan nang siya ay nagsisimula pa lamang sumabak sa showbiz, naging daan naman 'yun upang maging mas matatag siya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.


After 20 years, haharap si Toni sa panibagong journey-chapter ng kanyang showbiz career.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page