'Di takot lumabas at magsabong… GRETCHEN, ALAK ANG PANLABAN SA COVID
- BULGAR
- Jan 20, 2022
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 20, 2022

Halos lahat ng kilalang celebrities ay nagkaroon na ng COVID-19 at ‘yung iba ay kasalukuyang nagpapagaling pa.
Kapansin-pansin si Gretchen Barretto na ni minsan ay hindi nabalitang sinipon, inubo o nilagnat kahit lagi siyang may bisita sa bahay base sa posts niya sa kanyang Instagram account.
Bukod dito ay lumalabas din siya ng bahay para humimas ng manok bago simulan ang sabong kung saan sinasabing lucky charm siya ng kilalang negosyante at may-ari ng online sabong na si Atong Ang.
May sikreto pala siya at ibinuking ito ni Manay Lolit Solis na naka-post sa kanyang IG kahapon, Miyerkules.
Ang caption sa ipinost na larawan ni Greta, “Wow, bongga pala si Gretchen Barretto, Salve. Iyon palang tequila, gin at honey ang panlaban niya sa COVID, ha? Bongga, sosyal!
“Sure ako, bumili ka agad ng tequila at gin, plus honey para iwas-COVID din kayo ni Gorgy, Salve.
“Nakakatuwa talaga si Gretchen Barretto, parang ang easy-easy ng mga pangyayari sa paligid dahil sa masaya niyang attitude. Ganu'n siguro dapat, tignan mo ang paligid nang masaya lang para hindi mabigat ang buhay.
“Si Gretchen ang perfect example ng isang babae na nalagpasan lahat ng storms sa journey niya, iyon bang feeling mo, basta maganda ka, dapat maganda din paligid mo. Maganda din ang buhay mo.
"Kaya inom na lang tayong lahat ng tequila, gin at honey, hah-hah, lasingin natin si COVID, para ngenge na siya. Hah-hah-hah, Gretchen style. #classiclolita #74naako"








Comments