'Di suwerte sa 2023… VICE, BABU NA ANG CAREER, RELASYON KAY ION, TAGILID DIN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 6, 2023

Sa tanggapin man o hindi ni Vice Ganda, lalamlam ang kanyang career ngayong 2023 at posibleng mag-quit na siya sa showbiz!
Magkakaroon sila ng malaking problema ni Ion Perez at mauuwi sa paghihiwalay.
Dahil dito, hindi na makakapag-focus sa kanyang career si Vice at mapapabayaan na nang tuluyan ang kanyang trabaho at mga commitments.
Matatandaang nagpakasal pa sa Las Vegas noon sina Vice at Ion. Kay Ion umikot ang mundo ni Vice at binusog niya sa mga mamahaling regalo ang karelasyon.
Hindi nakinig si Vice sa payo ng mga kaibigang nagmamalasakit sa kanya. Buo ang paniniwala ni Vice na sinsero at tapat na tao si Ion, na tinanggap siya at minahal nang totoo.
Ganunpaman, dapat ay ihanda na ni Vice Ganda ang sarili sa maaaring mangyari. 'Yun ang nakikita ng mga psychics sa kanyang magiging kapalaran sa pag-ibig ngayong 2023.





Comments