‘Di singsing kahit magdyowa na… JULIE ANNE AT RAYVER, NAGBIGAYAN NG HIKAW
- BULGAR
- Feb 9, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 9, 2023

Akala namin, nagbigayan na ng rings sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil may photo na may hawak silang jewelry box.
Tapos, mababasa pa ang caption ni Rayver sa post na may part na ang sabi, para extra special ang Valentine’s Day nila together, jewelry ang iniregalo nila sa isa’t isa.
‘Yun pala, promo para sa endorsement nila for Sep Vergara Fine Jewelry ang post. Ang lakas maka-budol, ha?
Ang ibinigay ni Julie kay Rayver ay black diamond earrings at dangling earrings naman ang gift ni Rayver kay Julie.
Pansin namin, in-out ng Sep Vergara Fine Jewelry ang mga hosts ng The Clash 2023.
Tinukoy si Julie as “Rayver’s GF” at si Rayver as “Julie’s beau.”
Speaking of Julie and Rayver, nagpadala ang international JulieVer fans ng coffee truck sa set ng movie nilang The Cheating Game bilang suporta sa pelikula at sa favorite love team nila.
Ipapasok daw na entry ng GMA Pictures sa MMFF Summer Festival ang movie at siguradong susuportahan ng local and international fans ng dalawa.





Comments