'Di si Angelica... SIGAW NI BELA: KIM, PRETTIEST FRIEND KO!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 22, 2023

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan last Wednesday (April 19) si Kim Chiu at nagbigay nga ng heartwarming birthday greetings ang BFF niyang si Bela Padilla.
May ibinahaging larawan si Bela na kasama si Kim sa kanyang Instagram at nilagyan niya ito ng caption na: "Verified! They say, the happiest girls are the prettiest; in that case, you're my prettiest friend, Kimmy!"
Dagdag pa ng aktres-direktor, "And you get even more beautiful with every challenge, achievement, obstacle and milestone you face!"

"Have the happiest day, Kimmy! I'm always here for you!"
Samantala, may isa pang BFF si Kim at ito nga ay si Angelica Panganiban. Silang tatlo nina Bela ang magbi-BFF sa showbiz na tinawag na AngBeKi, hango sa kanilang mga first names.





Comments