‘Di sa sakit namatay — Mrs. Dacera… CHRISTINE, TINRAYDOR NG BFF

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 15, 2021

Hindi pa rin matanggap ni Mrs. Sharon Dacera, ina ni Christine Dacera, ang flight attendant na namatay noong Bagong Taon, ang sinapit ng kanyang anak.
Kumonsulta si Mrs. Dacera sa isang psychic kung puwedeng makausap ang kaluluwa ng anak dahil alam niyang may foul play na nangyari kahit pa sinabi sa medico-legal na natural causes ang ikinamatay ng dalaga.
Pahayag ni Mrs. Dacera sa panayam ni Ms. Luchi Cruz-Valdes sa programang Deretsahan sa TV5, “Ang akin lang naman po, sana, makunsensiya sila na magsabi nang totoo. Sabi nila, mahal nila si Tin, eh, bakit nagkaroon ng mga galos, ng mga bruises ‘yung anak ko? Sa’n ‘yun galing, eh, kayo lang magkakasama, eh?
“Kasi, Ma’am, nagpa-psychic kami. So, kung ano ‘yung sinabi nu’ng spirit ni Tin, na she was really betrayed by a friend.”
Pero ang sabi naman ni Ms. Luchi ay malabo itong tanggapin sa korte dahil walang evidentiary value.
“Siyempre we are looking for, ‘yung tinatawag natin na lahat ng paraan na ginawa ng isang nanay kung ano ba talaga ang nangyari sa anak niya. So, paulit-ulit talaga na nagsasabi si Tin na she was really betrayed by a friend,” sabi pa ng ginang.
As of now ay waiting ang pamilya Dacera sa DNA test sa ilang organs ni Christine para malaman kung may dagdag-ebidensiya pa silang makukuha upang mapatunayang may foul play sa pagkamatay ng dalaga.
Hinihintay din ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation tungkol dito.
Mensahe rin ni Mrs. Dacera sa mga humusga sa kanyang anak, “Ako, wini-wish ko na lang na hindi rin mangyari sa kanila ‘yung nangyari sa anak ko kasi masakit, sobrang sakit.
“Siguro we always love our children. We are always doing the best for our children. So, sa pagkawala ni Christine, I feel the injustice to what had happened to her. So ngayon, kahit sa anong paraan, ipaglalaban ko ang anak ko.
“Anak ko si Christine, mahal namin si Christine. I’m proud of my daughter. We are proud of her. Nabiktima lang ang anak ko.”





Comments