top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di raw ‘yun kalandian… ANDREA: WALANG MASAMA KUNG BABAE ANG MAG-FIRST MOVE SA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2023
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 28, 2023



“Yesterday, while I was at work, I saw a couple of articles nu’ng sinabi ko na parang ‘I’m single’, nagaguwapuhan ako sa guy na ‘to. Tapos, alam n’yo na wala akong pang-amoy pero du’n palang, naamoy ko na ‘yung comment section, like I had a feeling na ‘yung comment section, puro puna na naman ng mga boomers (generation),” ito ang bungad ni Andrea Brillantes sa kanyang TikTok video kahapon nang hapon habang patungo sa celebrity screening ng bago niyang series na Senior High.


Tungkol kasi ito sa content ng vlog niyang ‘Date or Pass’ uploaded sa YouTube channel na inaming type niyang maka-date si Kai Sotto dahil gusto lang niyang masabing may naka-date siyang 7-footer (7’3 tall si Kai).


Nanawagan din si Andrea sa anak ng aktres na si Ina Raymundo na si Jakob Poturnak, 6’1 na ‘single’ siya ngayon.


Sa pagpapatuloy ng dalaga, “Sinasabi nilang puro ako boys, hanap ako nang hanap, magpahinga naman muna ako or to be harsh, malandi raw akezzz! Parang hindi rin naman nagkamali ang lola n’yo dahil tama nga ako, puro ‘yun nga ang nasa comment section. Eh, ‘di mas lalo pa ako naloka nu’ng nalaman ko na nasa news pa yata ako ng TV5.”


Pinalalabas ng aktres na misunderstood siya dahil “And sa mga hindi pa nakapanood (YT), I put so many disclaimers na, ‘Please, we’re just girls having fun don’t take this seriously.’”


Dagdag pa, “And one of the reasons why I made it ‘Date or Pass’ instead of Jojowain or Totropahin and the term jojowain for me is too serious na and the last time that I did that type of content, I actually ended up being with the guy na tinropa ko, siyempre, ayoko nang maulit ‘yun, ‘di ba? But I explained that on my video at alam n’yo ‘yan kung nanood kayo, pero siyempre, ‘di kayo nanood kaya nga kayo judgmental. Eh, ‘di ayun, in-OA na ng mga tao.”


Nabasa raw lahat ni Andrea ang mga naisulat pagkagising niya kaya ang naging reaksyon niya,“Haluhhhh, eto na naman tayo! Sineryoso na naman ‘yung dapat playtime lang. Maiisip ko bang mapapa-article or mapapa-news ako, sinabi ko lang naman na nagaguwapuhan ako du’n sa tao, ano bang big deal du’n?”


Alam naman daw ng dalaga na artista siya at lahat ng kilos at sasabihin niya ay makakakuha ito ng atensiyon, pero hindi niya naisip na itong mga sinabi niya sa ‘Date or Pass’ na para sa kanya ay maliit na bagay ay biglang lumaki.


“Is it really relevant like is my love life or taste in boys really that relevant to this world? Full of problems na nga.


“So, again para sa mga hindi nanood for full context lang sa part na ‘yun, kasi ikinuwento ko na this guy went up to me, nagpakilala siya, blah-blah and sayang lang kasi that time, I was taken, eh, I really do find him attractive, so ayun, sabi ko, single na ako as a joke!


“Guys, if I was serious about it, ba’t idadaan ko pa sa vlog, DM (direct message) na lang sana ako. It’s also funny kasi ang daming nagsabi na hanap ako nang hanap or I’m trying so hard, come on, guys, not to be mayabang or anything but I don’t really need to try like it’s really not that hard for me, (I’m) just being honest.


“If I really wanted to date a guy NOW, eh, ‘di sana, meron na, magre-reply lang naman ako, eh. Huyy, ayan na naman, sasabihin na naman, malandi ako,” paliwanag mabuti ni Andrea.


Ipinagdiinan din niya na hindi raw siya naghahanap ngayon ng karelasyon at ini-enjoy niya ang pagiging single at ang kabataan niya.


“It was just for content and entertainment. And even though artista ako, yeah, it’s part of my job, I can’t blame anyone for reacting like this. I feel like I can still be frustrated, kasi tao ako.


“Seeing articles like that, it just feels sexist kasi I really said a lot of things, pero ‘yun lang ‘yung na-pick-up.


“So, parang mas pinapamukha lang na I’m such a mababaw person, all I think about is boys, boys, boys, pero ang totoo, hindi naman talaga. Eto last na rin, guys, but even if I was being serious about it, I don’t think I should be getting any hate for it, I don’t think a woman should be getting any hate for making the first move.


“For me, that’s not being ‘malandi’ at all. I don’t think a woman should be receiving harsh words and hate just because she’s being courageous sa lalaking natitipuhan niya.


“I also don’t think I should be getting hate and if I ever decide to put myself out there na tinitingnan ko kasi sa perspective na I’m in my 20’s, I own a business, I have a nice career, I pay my bills and taxes, so, why need to hate where I just want to have fun?


“May nasira ba akong three-month rule? Wala nga, eh. Ano ba kayo, date lang nga, ‘di naman dyodyowain, titigil ba ang mundo n’yo? And I just feel like kung lalaki ako, hindi ako makakakuha ng ganitong klaseng hate. Feeling ko nga, ‘di ako mapapa-news for this matter.


“‘Yun lang, naloka lang ako na napa-news pa at ang daming articles, kasi sino bang may pake, ano ba kayo? Tingnan n’yo make-up ko, fresh-fresh lang (sabay hawak sa face na tapos nang mag-make up),” mahabang litanya ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page