'Di raw tulad nina Lani at Christian… AI AI, ININSULTO DAHIL WA' RAW 'K' MAG-JUDGE
- BULGAR
- Feb 5, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 5, 2023

Hindi mapigilan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang mapikon at patulan ang isang basher na kumuwestiyon sa kanyang kakayahan at kredibilidad bilang isa sa mga judges ng The Clash (Season 5).
Hindi raw legit na singer si Ai Ai tulad nina Lani Misalucha at Christian Bautista. Hindi raw karapat-dapat si Ai Ai na umupong judge sa The Clash.
Kaya naman rumesbak at naglitanya ang Comedy Queen upang supalpalin ang nasabing basher.
Pinayuhan ito ni Ai Ai na panoorin sa YouTube ang Pilipinas Got Talent (Season 1 to 4) at ang The Clash (Season 1 to 4).
Binanggit din ni Ai Ai na nakapag-record siya ng album sa Ivory Records noong 1990. Taong 2014 ay gumawa rin siya ng album sa Star Music, ang ADA (Ai Ai delas Alas).
At noong 2017, nag-release siya ng single, ang Walang Pinipili under GMA Records.
Well, siguro naman ay sapat na ito upang matauhan ang nasabing basher ni Ai Ai.
Bagama't nakilala siya bilang komedyana at host, may background naman siya bilang singer at nagko-concert pa.
Besides, sa tagal na ni Ai Ai sa showbiz, marunong na siyang kumilatis kung magaling ang isang Clasher at may taglay na X-factor.





Comments