top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

‘Di raw totoong hindi okay… BARBIE AT DAVID, NAGBESO-BESO NANG MAGKITA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 31, 2026



BIDA - BARBIE AT DAVID, NAGBESO-BESO NANG MAGKITA_FB Circulating

Photo: FB / Circulated



Bumalik ang kilig ng mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco nang magbeso-beso ang dalawa nu’ng magkita sa Sparkle Run 2026 kahapon. 

Nabuhayan ng loob ang mga fans nang malamang okay ang paborito nilang love team kahit matagal nang hindi nagkita at walang interaction online.


Nagpakilig sa mga BarDa fans na bukod sa beso, may pahawak pa si David sa balikat at baywang ni Barbie habang nakangiti ang aktres. Ibig sabihin daw, kahit matagal na hindi nagkita ang dalawa, wala pa ring nabago sa kanilang turingan.


Nagpasalamat ang BarDa fans sa GMA dahil kung wala raw ang Sparkle Run 2026, hindi magkikita sina Barbie at David. Ang kasunod nito ay ang hiling ng mga fans sa GMA na sana ay bigyan na ng bagong proyekto ang BarDa, tutal tapos na ang action series nina David at Jillian Ward na Never Say Die (NSD)


Si Barbie naman ay wala pang movie ngayon at serye nila ni Sharon Cuneta ang kanyang gagawin.


Kaya lang, hindi pa rin maalis sa isip ng ibang BarDa fans na bago ang Sparkle Run 2026, ang non-showbiz girlfriend ni David na si Alex Manalang ang kasama niyang nagbakasyon sa Siargao. In fairness, hindi itinatago nina David at Alex ang kanilang relasyon at pumapayag silang makunan ng larawan na magkasama.


Tanggap ng ibang mga BarDa fans na for reel lang ang love team nina Barbie Forteza at David Licauco. May mga pasaway lang na pilit iniiba ang narrative at pinalalabas na may relasyon sila. Unfair ito sa dalawa at sa mga fans na naniniwala sa mga fake news.





Sa edad na 35, proud na proud… 

BEAUTY, SINITA SA PAGPAPA-SEXY, LALONG NAGBUYANGYANG



MGA larawan niya na naka-swimsuit ang birthday treat ni Beauty Gonzalez sa kanyang mga fans at followers sa Instagram (IG). 


Naalala namin ang mga netizens na minsang kumuwestiyon sa aktres dahil sa pagsusuot ng sexy swimsuit. Ipinaalala sa kanya na may mga batang followers siya at hindi raw magandang makita siyang nakasuot ng sobrang sexy na damit.


Ang ginawa ni Beauty, lalo pa siyang nag-post ng mga larawan niyang naka-swimsuit at ipinagtanggol din siya ng kanyang mga followers, kaya walang nagawa ang mga kontra sa kanyang pagpo-post nang sexy at minsan ay skimpy swimsuits.


Siguro naman, palalampasin ng mga bashers ang sunud-sunod na pagpo-post ni Beauty ng mga larawang naka-swimsuit dahil birthday naman niya. 


She turned 35 years old last May 28 at kabilang sa kanyang post ang black-and-white photo niya habang nakahiga at nakasuot nga ng black skimpy swimsuit.

Walang reklamo ang mga followers at friends ni Beauty sa kanyang post at binati pa siya ng happy birthday. Kasama ang mga larawan sa tinawag niyang birthday shoot with photographer Jerick Sanchez.


Sey ng aktres, “I will be releasing actual images throughout the next month. Hope you enjoy the photos as much as I have created them with this team.”

Kaya asahan natin ang mas marami pang mga sexy photos mula kay Beauty Gonzalez na ikinatutuwa ng kanyang mga fans at hinahangaan dahil sa kanyang artistry.





ANG aming taos-pusong pasasalamat sa Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd dahil kasama kami sa senior entertainment press na nabigyan ng tulong sa kanilang Taking Care of Our Own, #SPEEdCares2026


Isa itong special fellowship and outreach gathering in honor of retired editors at senior members ng entertainment press.


Ang sarap sa pakiramdam na kinilala ng SPEEd ang kaunti naming naiambag sa entertainment industry bilang columnist. 


Hindi lang kami kinilala, binigyan din kami ng financial help at maraming bitamina mula sa Unilab at PascualLab. Ang dami naming naiuwing bitamina at makakapagpahinga muna kaming bumili nito sa loob ng ilang buwan.


Pasasalamat din sa mga sponsors ng #SPEEdCares2026 na kinabibilangan nina Claire Papa (Unilab), Heart Evangelista, Yolly Crisanto (Globe), Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, Gigi Santiago Lara (GMA Network, Inc.), ABS-CBN, QC Councilor Alfred Vargas, Jun Lalin, Rowena at Andrea Gutierrez, Marianne de Vera (Pascual Laboratories), Purple Hearts Foundation, Rosbel Bunag, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, MCD Multimedia, at PLDT Home.


Ginanap ang event kahapon sa isang resto sa Kyusi. 

Host si Jun Lalin na isa ring miyembro ng SPEEd. 


Present ang mga officers ng SPEEd kaya lubos ang aming pasasalamat sa kanila.

Ang SPEEd ay binubuo nina: Tessa Mauricio-Arriola (President), Maricris Valdez (Vice-President for Internal Affairs), Geraldine Trillana (VP for External Affairs), Ervin Santiago at Rohn Romulo (Secretary), Dondon Sermino at Anna Pingol (Treasurer), Jerry Olea (Auditor), Nickie Wang, Janice Navida at Neil Ramos (PRO).


Dumating din sa event ang former presidents ng SPEEd na sina Eugene Asis at Salve Asis, gayundin ang bagong miyembro na si Roldan Castro. 


Hindi nakarating sa event sina Ian Fariñas, Nestor Cuartero, Ervin Santiago, Dondon Sermino, Bobby Requintina, at Nathalie Tomada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page