'Di raw totoong break na, buking! PAOLO AT YEN, TODO-HOLDING HANDS PA SA VIDEO

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 24, 2022

Nabalita rin pala na nagdadalantao si Yen Santos courtesy of Paolo Contis. Kumalat ang tsika na preggy daw si Yen pagkatapos naming isulat sa aming kolum dito sa BULGAR ang tanong kung hiwalay na ang rumored couple.
Pero, ayon sa manunulat na si Gorgy Rula, madalas daw nagde-date sa Makati sina Paolo at Yen with matching holding hands pa while walking na nakunan ng video.
And as a friend, nagbigay din ng pahayag si Paolo kay Gorgy.
Say ni Paolo, “Ang personal kong issue should remain personal. Dito muna tayo sa Ako Bicol, ‘no!”
Itinanggi rin daw ni Paolo kay Gorgy ang nababalitang pagdadalantao ni Yen.
So, there.





Comments