'Di raw talaga nagkabalikan… PRAMIS NI DIEGO: FRIENDS NA LANG KAMI NI BARBIE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 11, 2022

Tinuldukan na ni Diego Loyzaga ang tsikang nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial matapos kumalat ang larawang magkasama sila sa isang kainan sa Pasig City.
Magkaibigan na lang daw sila ngayon ng aktres at okay sa aktor na magsama sila sa pelikula.
“Yeah, puwede. Magkatrabaho, yes, of course,” diin ni Diego.
At dahil hindi kuntento ang ilang entertainment press na dumalo sa private screening ng Adarna Gang na handog ng Viva Films ay hindi siya tinantanan tungkol kay Barbie kaya natawa’t nailing na lang ang aktor.
“I don’t wanna answer the question. We’re friends, we’re friends. No (hindi nagbalikan), Barbie and I, we’re friends.
“We spent a very long time together. Imposibleng hindi kami maging magkaibigan. The respect is there and the friendship is still there, so, why not keep that friendship?” pangangatwiran ng aktor.
Naniniwala ba si Diego sa kasabihang love is lovelier the second time around?
“Hahahaha! Let’s not all be hopeless romantic guys. Let’s respect each other, love each other. Peace, truce, peace, not war. You know I made peace with all my demons recently but most of them, I love the fact that Dad (Cesar Montano) and I are good now.
“Why would I want enemies? Why would I want burn bridges? So, if Barbie and I are good and that makes me happy that we are and I want to keep it that way,” pahayag ng binata.
Samantala, sa solong panayam namin kay Diego ay natanong namin kung plano niya talagang tumira na sa Amerika dahil nabanggit niya ito noong mediacon ng The Wife na nagugustuhan na niya roon.
“Yeah, I mean that, I want to try Hollywood, subok lang, 'di ba, pero I have contract with Viva, so I have to be back. Try natin, it’s still on my bucket list,” pag-amin ng aktor na umaasang sana ay mabigyan ng tsansa na maging isa sa mga artistang Pinoy na mapabilang sa Hollywood.
May sumingit na ginang sa usapan namin ni Diego na niyakap naman ng binata, “Sa amin siya nag-stay, he’s part of the family."
Hirit ng aktor, “Yeah, kina Tita ako nag-stay (sa US). They treated me na anak.”
May ibang dahilan naman ang pag-uwi sa Pilipinas ng ginang at hindi naman niya sinundan si Diego, pero lahat ng pelikula ng binata ay susuportahan niya.
Hmmm, mukhang ayaw pakawalan si Diego ng Viva dahil tinambakan siya ng pelikula ngayong 2022 na tila 7-8 pictures dahil nu’ng binanggit naming may tatlong pelikula siyang gagawin kasama itong Adarna Gang ay sinagot kami ng, “Tatlo lang?” sabay tawa.
Wish granted kay Diego na makasama ang amang si Cesar Montano sa pelikula at ito ay sa remake ng Waway na pinagbidahan ng ama nu'ng 1993.
“Ako na si Waway, ha, ha, ha! Abangan kung ano (karakter ni Cesar),” masayang sabi ng aktor.
Si Direk Roman Perez, Jr. ang magdidirek ng Waway na in progress na ngayon at sa kasalukuyan ay nagsu-shoot si Diego ng pelikulang kasama naman si Sue Ramirez mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Anyway, bukod kay Diego ay kasama rin sina Coleen Garcia, Mark Anthony Fernandez, Shamaine Buencamino, Archie Adamos, Rob Guinto, Kat Dovey, Aivy Rodriguez, JC Santos at Ronnie Lazaro.





Comments