top of page

'Di raw talaga dyowa… PAMBANSANG KOLOKOY, GINAMIT LANG NI GLADYS PARA PAG-USAPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2023
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 23, 2023



Nagsalita na ang sikat na vlogger/content creator na si Pambansang Kolokoy (Joel Mondina ang real name) tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang wife na si Grace Mondina.


Si Grace ay nakilala naman ng publiko bilang si Marites na partner ni Pambansang Kolokoy (PK) sa kanyang YT channel.


Sadly, nagkani-kanya na ang mag-asawa at naisapubliko na ang mga dahilan ng kanilang hiwalayan.


Unang nagpainterbyu si Grace kay Luis Manzano sa socmed accounts ng TV host at sinabi nito na naghiwalay sila dahil wala na raw oras sa kanya si PK at nangakong ‘di siya lolokohin.


Sabi pa ni Grace kay Luis, Parang napi-feel ko na there’s something going on, pero hindi ko ma—I don’t have the evidence. Parang wala na—wala na 'yung relationship namin. Parang we’re just friends with kids. Parang ganu'n, there’s no more spark.”


Marami pang sinabi si Grace kay Luis about PK. At nito lamang nakaraang ilang araw, binasag na rin ni PK ang pananahimik at paglalahad ng kanyang katotohanan sa naging relasyon nila ni Grace sa interbyu sa kanya ni Ogie Diaz.


Ayon kay PK, “Unang-una, hindi ko nakita ‘yung magulang ko. ‘Yung tatay ko, hindi ko nakita nang 10 years at hindi ko nakausap. ‘Yung nanay ko, hindi ko nakausap nang 8 years, magkatabi lang ‘yung bahay namin (sa US).”


Hindi raw kasi pinapayagan ni Grace si PK na makipagkita sa mga magulang ng sikat na vlogger pati na ang kanilang dalawang anak na lalaki.


Feeling ni PK, malaki ang hinanakit ni Grace sa magulang niya dahil tutol ang mga ito kay Grace dahil may asawa na at anak nu’ng naging sila.


Labis daw dinamdam ito ni Grace na kahit nakapagtapos na siya ng doctorate sa Nursing ay ‘di pa rin nawala ang hinanakit niya sa mga magulang ni PK.


And then, dumating ang panahon na kailangan nang makipagkita ni PK sa kanyang mga magulang. Magre-retire na raw ang mga ito at gumawa siya ng vlog tungkol dito.


Sinabi niya ito kay Grace pero binantaan daw siya na kapag tumuloy sa pakikipagkita sa mga magulang niya, ilalabas ng misis ang mga gamit ni PK sa bahay nila.


Sa kabila ng banta, nakipagkita pa rin si PK sa kanyang mga magulang at laking gulat niya pag-uwi na nakakalat na ang mga gamit niya sa kanilang garahe.


Bagsak ang pakiramdam ni PK sa nakita niya and after five minutes, dumating si Grace sa bahay nila at humingi raw ng sorry sa kanya at hinihikayat siyang huwag nang umalis.


That time, may truck na raw na nasa labas ng bahay nila na maghahakot ng mga gamit ni PK. At naisip niya, kapag pinagbigyan niya si Grace, paulit-ulit lamang mangyayari ang ganu'ng scenario.


Kaya kahit wala siyang pera at labag sa kalooban na iwan ang kanyang dalawang anak ay sinikap niyang mabuhay nang solo.


Sobrang close kasi ni PK sa dalawa niyang anak na siya halos ang tumatayong ama’t ina. That time raw kasi ay hinayaan niya na mag-concentrate si Grace sa pag-aaral ng Nursing sa US.


Pero hindi raw porke siya ang nag-aalaga sa mga bata ay wala siyang trabaho.


Pahayag niya, “Meron akong trabaho, mas flexible lang ang oras ko, bago pa ako naging PK noon, which is ang ikinaganda ng aking trabaho ay flexible. So kung may kailangan ang mga bata sa school, puwede akong lumabas sa trabaho ko anytime, puwede ko silang ihatid at sunduin sa school. ‘Yan ang routine ko for so many years.”


Sa interbyu pa ni Luis kay Grace ay ikinuwento nito ang pagtawag ng current partner ni PK sa kanya.


Kuwento ni Grace kay Luis, “Tumawag 'yung babae sa akin. She said, explaining that she never…


“The night before, someone kept calling me—unknown—so, I kept ignoring it. The next day, it’s still an unknown call, so hindi ko sinagot. Then, there’s a text—I need to talk to you about you know—his name.


“At the same time, dumating si PK, and the girl called. At the same time, nand'yan si Joel sa tabi ko, and ‘yun, sinabi niya na they’ve been together for a long time. And this is March, 2022. Sabi niya, 'We’ve been together for a long time and we’re gonna have a baby in July 2022,'” Grace narrated.”


Pinabulaanan naman ito ng source namin na karelasyon na ni PK ang current wife niya noong sila pa ni Grace.


According to our source, bago pa man nakilala ni PK ang kanyang second wife, divorced na sila ni Grace.


Paliwanag naman ni PK kay Ogie Diaz, “Kaya ‘yung sinabi ni Grace kay Luis sa interview niya na nandoon ako sa bahay nu’ng tumawag ang present wife ko, narinig ko naman lahat.


“Sabi niya (present wife), I’m sorry we love the same man, pero hindi ko kayang makita siyang ganyan (na malungkot para sa mga anak na ‘di niya kapiling) kaya pinapabalik ko na siya d’yan sa bahay ninyo. Sana, ayusin ninyo ang hindi ninyo napagkasunduan.”


Nakipagbalikan si PK kay Grace para subukan nila ulit magsama.


“Pagbalik ko, sinubukan kong i-workout talaga. Tapos one time, naiwan niyang bukas ‘yung phone niya, meron kasi siyang kaibigan na lagi niyang kinakausap and nabasa ko ‘yung conversation nila.


“Ang nakalagay du’n, ang sabi ni Grace, ‘Look at this asshole, he came back. I told you he can’t stand by himself, he still needs me.' So, doon ko talaga napatunayang wala na talaga.”


Pero nu’ng sinabi ito ni PK kay Grace, nangatwiran daw ang ex-wife niya ng ganito, “Oh, that’s just girl’s talk.”


Lastly, tinanong namin ang aming source kung ang singer ba na si Gladys Guevarra ang bago niyang misis.


Paglilinaw ng aming source, “Ang istorya po talaga niyan, hindi po sila. ‘Yung best friend ni PK ang totoong karelasyon ni Gladys.


“Eh, alam n'yo naman po sa Amerika, super close ang mga Pinoy doon, parang sinakyan na lang nila as biruan ng mga magkakaibigan. Tapos, iba-vlog nila, ganu'n.


“Saka tulong na rin kay Gladys ‘yun kasi you know, para pag-usapan siya. Pero never po talaga silang nagkaroon ng relasyon,” diin pa ng aming source.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page