‘Di raw siya ‘yun… JIMMY BONDOC: VP SARA, MALAKAS NA HAHATAK SA KANYA, MAY PERA AT LOYAL ANG HANAP NA VP SA 2028
- BULGAR

- 16 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 27, 2026

Photo: Sara Duterte - Atty. Jimmy Bondoc
“‘Di po ako tatakbo bilang vice-president,” ang pahayag ng singer-songwriter na si Jimmy Bondoc nang may nagtanong sa kanya kung tatakbo ba siya bilang vice-president sa 2028.
Saad ni Atty. Jimmy, “Wala pong katotohanan. Biro lang ng marami ang mag-VP po ako. Diretso at tapat ko pong sinasabi na kung tatakbo man ako, sa Senado lang po. At kahit ‘yun ay ‘di pa sigurado. ‘Di po ako tatakbo bilang VP.
“Kailangan po ni future President Sara (Duterte) ng malakas na katambal na magdadala ng boto sa kanya mula sa iba’t ibang kulay, may kaunting kakayahang pinansiyal at magiging loyal sa kanya hanggang dulo. Ako po, loyalty lang po ang natatangi kong taglay d’yan.
“Kahit biro, salamat po sa mga nagbanggit sa pangalan ko. At sa mga threatened sa akin, ‘wag na sana. Kayo naman, magkakampi po tayo. Maniwala po kayo, wala man lang ako sa kalingkingan ng mga kinokonsidera bilang katambal ni Ma’am (Sara Duterte). Tulad ng sabi ni Pangulong Duterte, kaninyo ako magpabiling suluguon (sa inyo ako mananatiling lingkod).
“Salamat sa panandaliang interes. ‘Di po ako tatakbo bilang VP at lalo namang ‘di nanggaling sa kampo ko ang ideya na ito. Mga biro lamang ito na nakawala sa hawla.
“Ipagdasal po natin ang Pilipinas.”
Well, kung sakaling tumakbo man si Atty. Jimmy Bondoc ay puwede naman dahil siya ay isang abogado.
MADALANG pa sa patak ng ulan mag-post ang aktor at ama ng beauty queen na si Michelle Dee (MMD) na si Derek Dee.
This time ay nagbahagi si Derek ng larawan ng magandang bulaklak na ibinigay sa kanya ng anak na si Michelle at may caption na: “Michelle, thank you for the flowers and sending you a giant hug and a reminder that you are loved beyond measure today and every day — Dad.”
Samantala, sa card na ibinigay ni Michelle sa loving daddy niya ay may nakasulat na: “Dad, Happy Chinese New Year. Thank you for the love, guidance and light. Your strength is inspiring and always will be.
“Sending you my favorite flower as a gentle reminder to always face the light. Love you. All my love, Michelle Marquez Dee.”
In fairness, ang sweet ni MMD, manang-mana sa BFF ni yours truly na si Melanie Marquez.
“WELCOME to the world, our beautiful little grandchild Mia Isabella Sulit Delas Alas,” ang masayang pahayag ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas sa kanyang social media post tungkol sa bago niyang apo sa panganay na si Sancho delas Alas.
Sey pa ni Ai Ai, “To my dear daughter-in-law, I know how painful and exhausting labor was and I truly admire your strength and courage through it all. Because of your love and sacrifice, our family has been blessed with this precious gift.
“We are so proud of you and so grateful for everything you went through. We love you deeply and will always be here for you and my sweet grandchild. At sa aking mabait na anak (Sancho), nagpapasalamat ako na isa kang mabuting anak, asawa at tatay. Love you always. God bless you both.”
Welcome to the world, Mia Isabella Sulit Delas Alas!
‘Yun lang, and I thank you.




Comments