top of page

'Di raw siya, Vilma... LUIS, TUWANG-TUWA NA SI JESSY ANG KAMUKHA NG ANAK NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 13, 2023




Sinupalpal ni Luis Manzano ang basher na nanlait sa anak nila ni Jessy Mendiola.


Hindi pinalagpas ng TV host ang basher na pumuna kung bakit umano nila itinatago ang mukha ng kanilang baby na si Isabella Rose o Baby Peanut.


Pawang pasilip pa lang kasi ang post ng mag-asawa sa mukha ng kanilang anak at karapatan naman nila 'yun.


Komento ng basher-netizen, "Bakit 'di mo ipinakikita (ang) mukha ng anak mo, pisot ba 'yan? (Ang) Dami n'yong arte [laughing emojis]. By the way, congrats na lang sa inyo, Lucky Manzano."


Siyempre, kahit sinong magulang ay masasaktan sa sinabi ng basher, lalo pa't first baby nina Luis at Jessy si Baby Peanut.


Kaya buwelta ni Luis, hindi naman daw nila pinakikialaman ang basher sa kung ano ang hitsura nito.


“Kayo nga po, pinag-isa n'yo pisngi, leeg at baba n'yo, 'di namin po kayo pinapakialaman."

Matapos sagutin ni Luis ang basher, agad na umani ng reaksiyon ang kanyang komento.


Samantala, salungat sa sinabi ni Vilma Santos na si Luis ang kamukha ni Baby Peanut, tuwang-tuwa ang bagong tatay dahil kamukhang-kamukha raw ni Jessy ang kanilang anak.


Oh, eh, di kaygandang bata kung ganu'n, 'di ba?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page