‘Di raw siya AI… LINDA WALKER, SUPER-PAGOD PERO TODO-ENJOY SA ‘PINAS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 11, 2026

Photo: SS / FB Chinoy TV
Nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng 7.8 earthquake sa Mindanao ang Chinese actress na si Zhang Yingfei, na mas kilala bilang Linda Walker, ang super-talinong karakter sa hit vertical micro-drama na The Heiress Who Won with Brains (THWWWB).
Sa welcome presscon na ibinigay ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) para sa 22-year-old actress na ginanap last Tuesday sa Luxent Hotel, nakarating sa kanya ang malungkot na balita tungkol sa napakalakas na lindol na yumanig sa Mindanao.
“These disasters really happen, but as humans, we should continue to stay strong because these are natural disasters and we should always believe that there’s still a better tomorrow,” pahayag ni Yingfei.
Kasama niyang humarap sa media sina Jeffrey Ng, FFCCCII Executive Vice-President; Wilson Lee Flores, FFCCCII Board Member at Public Information Committee Chairman; Peter Mangasing, Youth Committee Chairman; atbp..
Dumating sa Pilipinas si Yingfei noong June 7 bilang bahagi ng Education for a Better Future advocacy drive ng FFCCCII. Magtatagal siya sa bansa hanggang June 11.
Samantala, sobrang overwhelmed ang dalaga sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino. Sa airport pa lamang ay dumagsa na ang mga fans niya upang i-welcome siya sa ating bansa at masilayan na rin siya nang personal.
Ayon kay Yingfei, sobrang happy niya sa kanyang experience sa ‘Pinas at definitely ay maituturing niya itong isa sa greatest highlights ng kanyang buhay.
Kahit super-jam packed ang schedule niya at halos wala pa siyang maayos na tulog simula nang dumating, enjoy na enjoy daw siya sa ating bansa.
“I was very happy. I really enjoyed doing all of these. Everybody was so warm and friendly. It was really busy, the itinerary was really full, but I really enjoy what I’m doing,” aniya.
At para patunayang hindi siya AI (artificial intelligence), taliwas sa ibinabatong intriga ng iba, ito ang pahayag ni Yingfei, “I also starred in many short dramas. I invite you all to please check it out so you’ll know I'm not AI. I’m a living, breathing human being,” aniya.
NAWASAK ang puso ni Gary Valenciano sa sinapit ng dalawang basketball players ng Ateneo de Manila University (ADMU) na sina Rene Baterbonia, 19, at Divine Adili, 21, na nasawi matapos malunod sa team-building activity na isinagawa ng Blue Eagles sa isang resort sa Aurora nitong nakaraang Lunes.
Sa post ni Mr. Pure Energy sa X (dating Twitter), sinabi niyang bagama’t La Sallista siya, talagang na-devastate siya sa pagpanaw ng dalawang atleta.
“I may be a Green Archer from La Salle but my heart is crushed at the devastating news about the two players from ADMU that perished in a drowning incident yesterday. My prayers are sincerely with their families and the entire ADMU community. Ps. 34:18,” pahayag ni Gary V.
Pumanaw sina Baterbonia at Adili noong June 8 matapos malunod sa isang resort sa Dipaculao, Aurora.
Batay sa imbestigasyon, habang naglalakad sa dagat sina Adili at Baterbonia bilang bahagi ng team-building activity kasama ang iba pang players ay tinangay ng malakas na alon ang dalawa at napunta sa malalim na bahagi ng dagat.





Comments