top of page
Bong Revilla - Circulated.jpg

‘Di raw sila match… ANDREW E., ‘DI MAKIKIPAG-COLLAB KAY MICHAEL V.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 1, 2026



SPECIAL - ANDREW E., ‘DI MAKIKIPAG-COLLAB KAY MICHAEL V.-IG _andrewe_dongalo & FB Michael V.

Photo: IG _andrewe_dongalo & FB Michael V.



Nakakabilib ang tinaguriang King of Rap na si Andrew E..

Imagine, nu’ng 59th birthday salubong niya last July 29 na ginanap sa G-Side Bar sa QC kasabay ng launching ng bago niyang single titled Pasta na kasama sa bagong album niyang Wholesome Again, pagdating pa lang sa labas ng bar, lahat ng inabutan niyang tao ay kinamayan niya at lahat ng nagpa-selfie ay pinagbigyan.


Nu’ng pumasok na siya sa venue, inisa-isa rin niyang batiin lahat ng nag-aabang sa kanya, hindi lang ang press people at mga guests, kundi lahat talaga ng dumating para ma-witness ang launching ng kanyang bagong song na Pasta.


Nasa 300 siguro ang mga tao that night at bawat isa ay nagpa-selfie kay Andrew E. na lahat ay pinagbigyan naman niya. Bongga, ‘di ba?


Anyway, tulad ng mga una na niyang sumikat na kanta na Humanap Ka ng Panget, Andrew Ford Medina, Banyo Queen, etc., malakas din ang recall ng Pasta na may double meaning kaya bentang-benta agad sa mga listeners.


Ilang lines pa nga lang ng Pasta ang paulit-ulit na kinanta ni Andrew E. that night, aba’t sinasabayan na agad ng mga tao. Ang saya!


Pero paglilinaw ni Andrew sa mga nag-akalang may mura na “P**ang *na mo” ang kanta, “Put a little more” raw ang nasa lyrics kaya mabuting pakinggang mabuti bago kantahin at gayahin.


Samantala, natanong namin si Andrew, ngayong nagbabalik siya sa paggawa ng album, posible kayang magkaroon sila ng collab ng dati pang contemporary niya sa rap na si Michael V.?


Diretsong sagot nito, “Honestly, ate, ever since before, meron akong culture na ‘di ako nakikipag-collaborate. Kasi minsan, you know, hindi match ‘yung ka-collaborate ko. Kasi ang kanta ko, minsan, double meaning and all, ‘di magma-match kung may isang kantang ‘di double meaning. So useless, walang collaborative ano. So, parang for me, para walang tampuhan, ‘di na lang ako makikipag-collaborate with them.”  


How about sa Bubble Gang, puwede kaya siyang mag-guest para magkasama sila ni Michael V.?


Hindi rin daw niya masabi kasi marami na raw bawal sa kanya like magpuyat since naoperahan na siya dahil sa cholesterol blockage.


Kaya nga raw ang birthday wish lang niya sa kanyang 59th birthday ay good health at ang success ng Pasta at ng lima pang kanta na ire-release niya sa mga susunod na buwan na kasama sa Wholesome Again album.

Well, congrats and good luck, King of Rap Andrew E.!





Hindi lang kay Angel na bumanat sa aktor… 

DENNIS, RUMESBAK SA MGA NAGSASABING BOBO SI SEN. ROBIN



ISA si Dennis Padilla sa napakaraming celebrity guests ni Ms. Charo Cordial, CEO of Maddox Jewelry, sa katatapos lang na Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 last Thursday na ginanap sa Shangri-La Hotel.


Bago ang successful fashion show, nakausap namin si Dennis tungkol sa BFF niyang si Sen. Robin Padilla na favorite banatan ngayon sa social media dahil sa mga pahayag nito.


Ani Dennis, kilala naman niya si Robin na sanay na ito at manhid na sa mga banat sa kanya. Pero bilang kaibigan, ang pinakamasakit lang daw para sa kanya ay kapag sinasabihang “bobo” ang aktor-senador.


“I hate that word. Kumbaga, wala namang bobong tao. Saka, parang very insulting. Sa mga bashers, ‘wag naman tayong umabot sa ganu’n kababa. Itaas naman natin ang quality ng pagsasalita natin. May pinag-aralan naman ang mga Pilipino.”


Puwede naman daw i-criticize si Sen. Robin sa mas ‘tame’ na words.

Recently, may naging pahayag si Ted Failon at maging si Angel Locsin na idinaan pa nga sa FB post ang pag-criticize kay Sen. Robin. 


Hirit ni Dennis, “Mali, mali. Hindi maganda. Saka I’m sure, ‘yang mga comments ng mga tao na ‘yan, tandaan n’yo, babalik sa inyo ‘yan! God will prove you wrong.”

Hmmm… May sagot pa kaya sina Ted at Angel sa sinabi ni Dennis?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page