top of page
Search
  • BULGAR

'Di raw sila magkaaway… JOEY: SHOWTIME, WE LOVE YOU!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 20, 2024



Naglabas ng paglilinaw si Joey de Leon sa kanyang Instagram page kahapon patungkol sa rivalry nila ng It’s Showtime.


Matatandaan kasing sa episode ng Eat…Bulaga! kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Joey at si former Senator Tito Sotto tungkol sa kumakalat na tsikang nalulugi ang kanilang show at malapit nang magsara.


Nilinaw nila na kasinungalingan ito at sey ni Joey, naiinggit lang daw ang mga nagsasabi nito.


Matapang pang hamon ni Master Henyo, “Umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap n’yo, 15 lang ha, hindi 50.”


Sa kanyang video na inilabas kahapon, nilinaw ni Joey na hindi ang kalabang programa ang kanilang pinatatamaan sa kanyang sinabi.


“Ito’y para lang matapos ‘yung mga usap-usapan,” simula niya. “Unang-una, hindi — hindi namin kaaway 'yung Showtime. 'Yung Showtime, matagal na naming kapitbahay 'yun. Hindi rin kami tinitira, hindi rin namin sila tinitira.”


Patuloy niya, “Ang pinapatungkulan namin ni Tito nu'ng nagalit kami sa Eat…Bulaga!, eh, 'yung mga nasa social media na nagpo-post.”


Ang mga nagpo-post daw ang hinamon niya at hindi ang It’s Showtime.


“Kaya hinamon ko 15 years, kung tatagal ‘yung mga nagpo-post na 'yun. Hindi Showtime.


Oy, happy anniversary Showtime, 15 years na nga 'yung Showtime, bakit ko hahamunin 'yun?” sey niya.


Nilinaw ni Master Henyo na hindi sila magkaaway ng katapat na noontime show.


“Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag n’yo kaming pagsabungin. Magkakaibigan din kami.


“Ang pinapatungkulan namin ni Tito, 'yung mga nagpo-post na magsasara na kami. Dadalawa na lang 'yung show, isasara pa 'yung isa. At 'yung isa, 'yun ‘yung. . . Well, hindi naman sa pagmamayabang — longest-running. Top 5 nga sa mundo, eh, kaya thank you.


Kasama kayo doon sa honor na 'yun,” sey pa niya.


‘Yung mga nagpo-post daw sa social media tulad ng Instagram, Facebook at YouTube ang kanilang sinasabihan.


“Sa social media, 'yung mga salbahe doon," aniya.


“Kaya para malinaw, talagang luluhod ako, didipa pa ako kung maka-15 years 'yung mga tsismoso na 'yun, 'yung mga sinungaling na 'yun. Pero 'yung Showtime, we love you.


“Hindi kami magkaaway at nagtatrabaho lang kami, ‘yun lang 'yun. Ganu'n lang kalinaw, nililinaw ko lang kasi hahaba pa ‘to, eh. 'Yung iba, nilalagyan na ng kulay, pinagsasabong.


“Nagtatrabaho lang po kami. Dadalawa na lang kaming lunch shows. We love each other.


Matagal na, mahigit isang dekada na kaming magkapitbahay.


“So 'yun lang po. Inuulit ko, 'yung mga nagpo-post na sinungaling sa social media, 'yun ang mga buwisit, 'yun ang mga pinapatungkulan namin. Okay?” pahayag pa ni Joey.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page