top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di raw sila abala... SIGAW NI COCO: MGA TINDERO SA QUIAPO, MAS KUMITA DAHIL SA SERYE KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 6, 2023



Still on FPJBQ mediacon, sinagot ni Coco ang tungkol sa akusasyon ng infuencer na si Rendon Labador na nawawalan ng kita ang mga tindero sa Quiapo dahil sa pagte-taping nila sa nasabing lugar.


On the contrary ay mas kumikita pa raw ang mga tindero roon sa tuwing may taping dahil sa mga crew at talents na kumakain sa tindahan nila.


“Actually, ano, eh, alam naman natin dito sa industriya natin, ‘di ba? ‘Yung iba nga sa bawat pinupuntahang lugar, kahit naman tayo ‘pag pumupunta tayo ng abroad, ‘di ba, ‘Uy, dito nag-shooting ‘yung ano.’”


“Pupunta tayo du’n sa isang restaurant, pupunta tayo du’n sa isang park or whatever kung saan man ‘yung location, which is ganu’n din ang nangyayari sa Pilipinas.


“Maraming pelikula, soap opera na minsan nagiging tourist attraction pa ‘yung lugar kung saan nag-shoot ang isang pelikula o isang project. Ganu’n din ang nangyayari sa Batang Quiapo.


“Pero hindi natin maaalis na kasi ngayon nga because of the social media, napakadaling gumawa ngayon ng opinyon ng isang bagay na kaya mong pagandahin o sirain.


“Nagkataon lang na siguro may mga taong… hindi naman lahat papabor sa amin o papabor para sa Batang Quiapo. Siguro nu’ng sinabi niya ‘yun hindi ko alam kung anuman ‘yung talagang intention, pero ang masasabi ko lang po ‘yung totoong mga tao du’n, masaya sila,” ang mahabang paliwanag ni Coco.


Basta’t alam daw nila kung ano ang totoo, hindi na lang daw nila pinapansin ang mga ganu’ng intriga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page