‘Di raw seryoso kina Kathryn at Sue… DOMINIC, GUSTO LANG PASAKITAN SI BEA NA ‘DI KAWALAN
- BULGAR

- Nov 10, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 11, 2024
Photo: Dominic Roque, Bea Alonzo at Sue Ramirez - Instagram
Marami ang nadidismaya ngayon kay Dominic Roque dahil unti-unti na raw lumalabas ang kanyang pagiging ‘chickboy’. Bukod kasi sa madalas na pagsama-sama niya kay Kathryn Bernardo, namataan siya recently sa isang bar sa Siargao kasama ang aktres na si Sue Ramirez, na nakunan pang naghahalikan.
Kaya naman napatanong ang marami kung sila na ba ngayon ni Sue Ramirez. Pero may ilang mga netizens ang nagsasabing hindi seryoso si Dominic sa mga babaeng nali-link sa kanya ngayon. Posible raw na paraan lang ito ni Dominic upang pasakitan ang ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo. Gusto niyang patunayan na hindi siya apektado sa paghihiwalay nila ni Bea, at makakatagpo rin siya ng bagong pag-ibig.
Ibang-iba nga ang galawan ngayon ni Dominic, kaya marami ang naninibago. Kilala kasi siya na tahimik, mahiyain, man of few words, gentleman, mabait, humble, at low profile. Wala sa image niya ang pagiging chickboy.
Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Bea Alonzo sa kissing photo nina Dominic at Sue?
NAGKASAKIT pala at ipinasok sa ospital ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi at naoperahan. May sakit sa ovary si Ivana at dati na siyang may PCOS (polycystic ovarian syndrome). Isang linggo siyang na-confine sa ospital, at lumaki ang kanyang tiyan na feeling niya ay parang 5 months siyang preggy.
Nahihirapan siyang huminga dahil sa dami ng tubig sa kanyang tiyan, at kailangan nang i-drain ang 2 litro ng tubig na naipon dito.
Dahil hindi na niya matiis ang hirap at sakit na nararamdaman, pumayag na si Ivana na operahan at i-drain ang tubig sa kanyang tiyan.
Hindi biro ang sakit na naranasan ni Ivana Alawi, at itinuturing niyang isang “second life” ang kanyang paggaling, sa tulong ng mga dasal at ang pag-aalaga sa kanya ng magagaling na doktor sa ospital. May mga doktor na nagmo-monitor sa kanyang puso, atay, baga, at iba pa. Kaya laking-pasasalamat ni Ivana sa lahat ng nag-asikaso sa kanya sa ospital.
At para makatulong sa ibang pasyente, naisipan ni Ivana na i-vlog ang kanyang pagkaka-confine sa ospital. Ang kikitain mula sa kanyang vlog ay ido-donate niya sa mga pasyente na kulang ang pambili ng gamot, lalo na ‘yung mga may sakit sa ovary o PCOS.
MATAGAL nang bahagi ng Bubble Gang (BG) si Paolo Contis. Marami nang dating cast ng BG ang nawala, pero si Contis ay mistulang haligi na ng longest-running gag show.
Hindi naman siya isang comedian, in fact, kontrabida nga ang role niya sa mga pelikula niyang ginawa. Seryoso siya sa BG at hindi gaanong nagpapatawa, pero swak sila ni Michael V. at isa siya sa mga poste ng BG.
Kung tutuusin, puwede namang isama si Paolo sa cast ng ilang serye ng GMA-7. Tatak niya ang pagiging kontrabida, kaya rin niyang mag-host ng game show.
Ganunpaman, bumabawi na lang si Paolo sa mga role niya sa pelikula. Paborito siyang kunin ng mga producers na nagbe-venture sa kakaibang klase ng pelikula. Hindi man siya matinee idol, pero kaya niyang tanggapin ang kahit anong klaseng role. At happy na rin siya na matatandaan ng mga viewers dahil sa Bubble Gang.










Comments