'Di raw pressured na wala pa ring anak… BEA, AYAW MAIKUMPARA KAY ANGELICA NA BUNTIS NA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 27, 2022

Tuwang-tuwa si Bea Alonzo nang makita ang entertainment press last Friday sa bonggang media launch and contract signing niya bilang 76th celebrity endorser ng Beautederm.
Si Bea ang ambassador ng mga bagong produkto ng Beautederm na REIKO Slimaxine diet enhancer at REIKO Fitox digestion enhancer na Japan-made all-natural supplements, 100% safe, epektibo at Food and Drugs Administration-compliant.
Bungad nga ng aktres, “Ito ang unang-una kong presscon after 2 years na face to face and I’m so happy to see all of your faces today.”
Ayon kay Bea, sobrang happy siya na maging part of Beautederm family at gustung-gusto pa niya ang produktong kanyang ineendorso bilang napaka-health conscious din niya.
Napaka-special nga raw sa kanya ng Beautederm dahil ito ang unang-unang endorsement niya sa panahon ng pandemya at sobrang thankful niya sa president and CEO ng kumpanya na si Miss Rhea Anicoche-Tan na nagtiwala sa kanya para gawing ambassador ng dalawang bagong produkto.
Para naman kay Rhea, si Bea ang perfect endorser para sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.
“Inspirasyon si Bea dahil she always sees to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Rhea.
“Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga prayoridad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautederm.”
At dahil nga ngayon lang nakapanayam ng press si Bea ay maraming naitanong sa kanya na game na game niyang sinagot. Isa na nga rito ay ang tungkol sa reunion nila nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Anne Curtis at Dimples Romana.
Sa kanilang apat, sila na lang ni Angelica ang single at mukhang papunta na nga rin sa pag-aasawa ang kaibigan dahil buntis ito ngayon sa first baby. Natanong nga kung hindi ba siya nape-pressure na siya na lang ang natitira na single.
“Ako, masasabi ko siyempre, I’m very, very happy for my friends, lalo na si Angge. Alam ko na ‘yun talaga ang matagal na niyang gusto, na magkaroon ng baby, so I’m very, very happy for her.
“Pero siyempre, may kani-kanya tayong timeline. Hindi ako mape-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies.
“Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago, kasi ‘yung mga kaibigan from high school, mga nagsipag-asawa na, saka mga nagsipag-anak na.
“So, ‘yun nga, parang kani-kanya tayo ng ano, eh, kani-kanya tayo ng kumpas sa buhay, kani-kanya tayo ng struggles, kani-kanya tayo ng blessings and I refuse to be compared to these wonderful women kasi kani-kanya tayo ng strength and weaknesses,” pahayag ni Bea.





Comments