top of page

'Di raw natatakot sa mga bashers… SIGAW NI AJ: WA' AKONG PAKI KUNG 'DI N'YO 'KO GUSTO

  • BULGAR
  • Mar 2, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 2, 2022



Karamihan sa mga celebrity couples, ayaw kumpirmahin pero 'di rin naman nagde-deny sa relasyon kahit obvious na sinlagkit ng tikoy ang samahan at parang ayaw nang maghiwalay. Lagi na lang idinadaan sa "What you see is what you get."


Gaya ng relasyong AJ Raval at Aljur Abrenica na bagama't sighted na magkasama sa isang hotel sa Leyte, todo-press release na nag-freshen-up lang sila at kumain bago dumalo sa isang appointment doon.


Kaya kung akala nila ay ligtas na sila sa mga mapanghusgang netizens, "Tell that to the marines" lang ang linya ng mga ito sa kanila.


Sa isinagawang pa-"Ask me a question" ni AJ sa kanyang Instagram Stories last Feb. 28, inaasahan ng mga fans na aamin na ito sa relasyon nila ni Aljur, but sad to say, pag-iwas pa rin ang naging sagot ni AJ.


Ayon sa dalaga, may mga bagay-bagay daw na ipina-prioritize niya kesa sa isang seryosong relasyon. Cool lamang daw sila ni Aljur, kung sila man ay nakikitang madalas na magkasama.


Tanong ng isang netizen, “Kayo ba ni Aljur Abrenica?”


Sagot ni AJ, “Eh, sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin. Huwag kang mag-alala, 'pag official na, updated ka.”


Sa parte naman ni Aljur, hindi rin tuwiran ang mga sagot nito tungkol sa totoong ugnayan nila ni AJ.


Naungkat kasi sa dalawa ang naging biyahe nila sa Tanauan, Leyte noong Valentine's Day at depensa nila'y trabaho lang ang ipinunta nila roon.


Sa tanong ng netizen kay AJ na “Paano n'yo po nagagawang i-handle ang mga bashers, you look good at it po," sagot ng dalaga, “Nakakatuwa sila, sobrang funny nila.


"Hindi ko alam, merong part sa akin na 'pag nagbabasa ako ng mga hate comments, natatawa ako. 'Yung, 'Bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao? Parang ang OA ninyo.'”


Tanong pa ng isang fan, “'Di ka ba natatakot sa sasabihin ng iba sa 'yo?"


Sagot ni AJ, “Hindi, ba't ako matatakot? Mas nakakatakot maging sunud-sunuran sa ibang tao. Basta ako, magiging masaya, magiging totoo. Magustuhan n'yo o hindi, magustuhan n'yo, salamat, kung hindi, wala akong paki.”


Huling katanungan sa aktres, “Naaapektuhan ka ba sa mga sinasabi ng iba about sa 'yo?”

Aminado si AJ na noong una ay naaapektuhan siya sa mga pamba-bash sa kanya, pero ngayon ay tila dedma na raw ito at 'di na lang niya pinapansin.


Paliwanag niya, “Well, noong una, naapektuhan ako. Pero wala na, naka-move on na ako ru'n, eh, ano pa'ng gagawin ko?


“Wala na akong paki. Masaya ako, gagawin ko 'yung gusto ko, buhay ko 'to,” matapang niyang sagot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page