top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di raw naging magdyowa… KATRINA: SABRINA AT RICO YAN, NAGKATIKIMAN LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 13, 2023



“Sis (Sabrina M.), kung dito tayo masisira (bilang magkaibigan), wala akong magagawa.


Basta ang sa akin, sinabi ko lang ‘yung totoo. Kung nagkaroon kayo ng one-night stand (ni Rico Yan), baka one-night stand. Pero ‘yung relasyon ng two and a half year, Sis, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan, hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin. Wala talagang ganu’n, ‘yung sa totoo lang ang sa akin,” ang mahabang mensahe ng dating sexy star na si Katrina Paula para sa kaibigang si Sabrina M..


Naging viral kasi ang inamin ni Sabrina M. na naging karelasyon niya ang namayapang aktor na si Rico Yan na bagama’t walang naniwala, pero kailangan pa ring may makausap na taong magpapatunay na hindi ito totoo, kaya’t kinontak ni Nanay Cristy Fermin si Katrina para maging malinaw ang lahat.


Guest kahapon nang tanghali si Katrina sa programang Cristy Ferminute nina ‘Nay Cristy at Romel Chika na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel.


Sagot ni Katrina sa tanong ng CFM host kung nagkaroon ng relasyon sina Sabrina M. at Rico Yan, “‘Nay, wala! Walang relasyon na naganap sa kanila, baka nagkatikiman sila, pero ‘yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling. Kasi ang tagal kong naging kaibigan si Sab, eh."


Inalala ni ‘Nay Cristy na nakasama nina Sabrina at Katrina ang Whattamen boys na sina Rico, Marvin Agustin at Dominic Ochoa sa Clark na isinulat pa raw nito.


“May naganap ba kina Rico at Sabrina nu’ng mga panahong iyon?” tanong ni ‘Nay Cristy.


“Wala, eh. Paano naman ‘yun, ‘Nay, eh, nandu’n kami? Sobrang bait po ni Rico Yan, sobrang marespeto. Pinatuloy niya kami ru’n (bahay), siya na lang ang nag-give way para makatulog o makahiga kami sa kama,” pilit nitong inaalala.


Taong 2002 namatay ang aktor at sa ilang gabi’t araw na naroon ang CFM host sa burol ay hindi nito nakita si Sabrina at kahit sa libing.


Kaya sabi nito kay Katrina, “Paano niya nasabing magka-live-in sina Sabrina at Rico, eh, ang magka-live-in noon, si Claudine (Barretto) at si Rico?”


Depensa naman ni Katrina, “Nagpunta kami nu’n, ‘Nay, sa La Salle kasi naging magkaibigan kami ng tropang Whattamen at saka kami pero (natawa), hindi ko alam sa’n nanggaling ‘yung two and a half years, eh.


“Si Sab, sobrang crush niya si Rico Yan. Tapos, nagkaroon nga ng pagkakataong nagka-bonding kami. Kami ni Marvin, nagkalandian pero hindi ko alam ‘yung sitwasyon na sinasabi ni Sab.


“Nasabi ni Sab na nagkaroon ng relasyon, pero walang relasyon. Siguro nga, nagkatikiman sila pero walang relasyon,” diin ng dating sexy star.


At kamakailan ay nagkausap sila ni Claudine Barretto at ipinakilala ni Katrina ang sarili na nagulat siya sa sagot ng aktres dahil kilala raw siya nito at tinanong kung kaibigan niya si Sabrina M..


“Confident akong sumagot ng, ‘Oo, kaibigan ko si Sabrina.' Tapos sabi niya, ‘Baka puwede akong makiusap, sabihan mo naman ‘yung friend mo (tumigil na regarding Rico Yan) na ‘wag na niya akong idamay?’


“Ganu’n siya kalumanay. Alam mo, ‘Nay, gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Bakit ko ba nasabing kaibigan ko si Sabrina (natawa)?” natatawang kuwento ni Katrina.


Say naman ni Nanay Cristy, sobrang pinangangalagaan ni Claudine ang namayapang aktor.


“Tinanggap lahat ni Claudine ‘yun para lang huwag mapasama ang pangalan ni Rico Yan, tapos ngayon, may magsasabing habang magkarelasyon sila (Rico at Clau), eh, sila pala ni Sabrina ang magkarelasyon. Ano’ng punto mo ru’n?” say ng batikang manunulat at host.


“Si Sabrina, matagal ko nang kaibigan pero hindi ko talaga alam kung bakit niya ginawa ‘yun.


Hindi ko alam kung bakit siya nagbukas (isyu). Kawawa naman si Rico Yan, paano niya ipagtatanggol ang sarili niya kung wala na siya?” sambit ni Katrina.


May mga nagsabing nagha-hallucinate raw si Sabrina.


Pagtatanggol naman ni Katrina sa kaibigan, “Hindi naman na bago si Sab, ‘Nay, wala na siya sa stage na ganu’n. Baka gusto lang niyang sumikat kaya ganu’n, ‘Nay. Uulitin ko lang po, hindi ako nakikisawsaw sa isyu na ito, sobrang nabaitan lang ako kay Claudine Barretto.”


Ano ang masasabi ni Katrina sa kaibigan, tanong ni Romel Chika.


“Siguro, ito na ‘yung time na FO (friendship over) na kami kasi nagsalita na ako, kasi ‘yung totoo lang naman ang sa akin, eh,” saad ng aktres.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page