top of page
Search
  • BULGAR

'Di raw nagawa noon… YAEL, NAG-PROPOSE KAY KARYLLE KUNG KELAN 10 YRS. NA SILA

ni Julie Bonifacio @Winner | February 26, 2024





Sinorpresa ang It’s Showtime host na si Karylle ng kanyang mister at lead singer ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon na sa unang pagkakataon ay nag-propose sa kanyang misis.


Umapir si Yael sa It’s Showtime para batiin si Karylle sa mahusay na performance ng asawa niya sa musical stage play na Rama, Hari.


Itinaon ni Yael ang proposal niya kay Karylle on national television kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary.


Pahayag ni Yael, “Magte-10 years na kaming kasal and the thing kasi with kasal na kayo for 10 years, parang mas naa-analyze mo 'yung mga things through the ups and downs. Mostly ups, pero sa mga downs mo mas maa-analyze 'yung mga things.


"Kung sigurado ka back then, mas madaling maging sigurado now kasi mayroon na tayong 10 years together. Pero mayroon akong hindi nagawa before and I'm gonna do it now,” nakaluhod na sabi pa ni Yael habang hawak ang box na may lamang singsing.


Mabilis namang nag-yes si Karylle. And then, naikuwento ni Yael nu’ng unang niyaya niyang magpakasal sila ni Karylle sa loob ng kanyang kotse.


That was the first time rin daw na nag-kiss sila ni Karylle.


“First time ko yatang gumawa ng anything like this in my life. Normally kasi, para kaming ganoon, eh, behind the back pass,” ani Yael.


Ishinare rin ni Yael kung ano ang nararamdaman niya sa career ni Karylle especially sa latest project ng misis niya sa teatro.


“Wish ko lang naman kay Kaye is she keeps on doing 'yung mga stage plays.


“Kasi nakikita ko talaga sa kanya 'pag nasa stage siya, 'pag theater kasi tapos live, iba 'yung pakiramdam, iba 'yung nakikita mo na nandu'n siya in her element niya.


“Ang sarap lang na makita na shared experience na mapanood si Kaye," ngiti ni Yael.


Samantala, ‘di maintindihan ni Karylle ang mga papuring natatanggap niya sa marriage nila ni Yael.


Paliwanag ni Karylle, “Sobra akong confused kasi siguro marami akong naririnig na magagandang bagay about our relationship, people are praising us but I don't wanna say that we have a perfect marriage.


“Marriage is hard and it's a constant commitment and I think maganda 'yung ginawa niyang kanta 'yung una naming theme song sa wedding, parang 'dahil kilala na kita, ang nais ko lang ay makilala ka pa.'


“Kasi hindi naman kami gumawa ng written vows kasi hindi naman namin alam kung ano'ng mayroon sa future, pero ang alam lang namin, we will keep trying and we will fail and we will keep trying again and again and again.


“So, everyday we keep on trying, doing, kasi hindi naman po siya perfect talaga, mahirap po talaga po ang marriage.”


Nagpasalamat din siya, “Thank you for all your prayers. Alam ko naman talaga na big deal 'yan. At sa mga ate at kuya namin na gumagabay, our in-laws, our parents, our own families, we have a solid foundation of friends who tells when we're wrong. So, salamat sa inyo for telling us 'pag may mali kami or kailangang ayusin, thank you.”


For sure, may renewal of vows/wedding na magaganap kina Karylle and Yael this year.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page