top of page

‘Di raw nadala sa pag-ibig, Raymart… JODI, GAME PA RING MAG-ASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 2, 2025



Photo: Jodi Sta. Maria - IG


Blooming at parang ‘di tumatanda si Jodi Sta. Maria nang makita namin sa grand mediacon ng kanyang latest horror movie under Regal Entertainment, ang Untold na mula sa direksiyon ni Derrick Cabrido, produced by Regal Entertainment nina Ms. Roselle at Keith Monteverde, at showing na on April 30 in cinemas nationwide.


Pero kahit ano’ng piga nga namin kay Jodi para mag-share tungkol sa kanyang love life at sa matagal nang rumored boyfriend niyang si Raymart Santiago ay puro sweet smiles lang ang pinakawalan ng magaling na aktres.


Ang malinaw na sinagot lang ni Jodi sa mga naging tanong namin sa kanya ay kung dream pa rin ba niyang magpakasal uli at magkaroon ng buong pamilya someday.


Ani Jodi, nasagot na rin niya ang tanong na ito dati at ito pa rin daw ang masasabi niya sa ngayon, “Ako naman ‘yung type of person who never loses faith in love, ‘yun lang naman.”


Katwiran niya, “Napakaimportante ng love in all aspect. Hindi lang ito limited sa romantic relationship but also friendships, also love for work, love for career, so in general aspect of it.”


Of course, malaking factor ang opinyon ng nag-iisa niyang anak na si Thirdy sa magiging desisyon ni Jodi na magpakasal uli, pero sa ngayon daw, hindi pa naman nila ito napag-uusapan.


Anyway, super proud at excited si Jodi para sa Untold dahil trailer pa lang, puring-puri na ang “takot factor” ng movie.


Kasama rin niya sa Untold sina Ms. Gloria Diaz, Joem Bascon, JK Labajo, Lianne Valentine, Sarah Edwards, Kaori Oinuma at Mylene Dizon.



Hindi man itinuloy ni former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang pagtakbong senador dahil sa lagay ng kalusugan nito, hindi pa rin naman siya tuluyang nagpahinga dahil ibinaling naman niya ang kanyang oras sa kanyang mga negosyo.


At ngayon nga, balik din siya sa pagpo-produce ng pelikula na dati na rin naman niyang pinasok. Bukod sa collaboration with GMA Pictures para sa Samahan ng mga

Makasalanan, kahapon ay nagkaroon ng contract signing ang Pinoyflix Films and Entertainment Productions (na pinamamahalaan nila ng kanyang anak na si Stephanie Singson) para sa partnership nila sa Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safety College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc. para sa isang inspirational film na Beyond The Call of Duty.


Tinanong namin si Manong Chavit kung bakit siya napapayag na gumawa ng ganitong film na gagastusan umano ng mahigit P18 M (P18,620,000.00 to be exact) at aniya, gusto raw kasi niyang tuparin ang kanyang mga naipangako na kahit wala siya sa pulitika ay tutulong siya sa mga nangangailangan.


At dahil gusto niyang maipakita na may good side rin ang buhay-pulis at hindi puro negatibo lang ang ibinabato sa kanila, ‘yun ang gusto nilang ikuwento sa pelikula na target daw nilang ipalabas internationally.


Lima ang gaganap na bida sa action movie na ito — sina Martin del Rosario, Maxine Trinidad, Paolo Gumabao, Devon Seron at ang isa sa mga anak ni Manong Chavit na si Christian Singson.


Ayon sa director na si Jose R. Olinares, una na nilang nakonsiderang magbida sina Dingdong Dantes, Rayver Cruz at Gerald Anderson na mga reserved officers, pero nagkaproblema sa schedule, at mas gusto raw kasi nila ay ‘yung talagang marunong nang humawak ng baril, kaya ‘di umubra ang tatlo.


Pero naniniwala ang director na hindi man A-lister ang mga magbibida sa pelikula, since internationally naman ito ipapalabas, hindi kailangang super-sikat ang bida, at mas gusto nilang mag-focus sa istorya ng Beyond The Call of Duty na May 28 ang target na showing.



SUMMER na kaya nauuso na naman ang mga pormahang denim at simple-simplehan lang pero pak na pak!


Kaya naman swak na swak ang paglo-launch ng Brazilian model at ngayon ay artista na rin dito sa Pilipinas (under Tyronne Escalante Artist Management) ng kanyang sariling clothing line na tinawag niyang “Alexia Nuñez Designs”.


Sa ginanap na launching ng kanyang first EON Collection, inirampa ng mga models ang mga creations ni Alexia na take note, ang mga material daw ay from ukay-ukay, pero nu’ng nabuo na, naging mamahalin ang dating at puwede ngang maging OOTD ni Heart Evangelista sa kanyang mga pagrampa-rampa sa mga Fashion Week sa New York, Paris, etc.!


Of course, ani Alexia, kilala niya si Heart at dream na sana nga, one day ay maisuot ng aktres-model ang kanyang mga collection, which is a good idea dahil magandang promo at tulong din ito para mas makilala ang mga produktong gawa rito sa Pilipinas.


Oo nga kasi’t Brazilian si Alexia pero ang puso niya ay Pinoy na Pinoy na, lalo’t nahulog ang puso niya sa T’boli people na nakilala niya nang magbakasyon siya sa Lake Sebu, South Cotabato.


Sila ang naging inspirasyon ni Alexia para magkaroon ng sariling clothing line dahil ang advocacy ng magandang aktres, ang proceeds ng kikitain ng EON Collection ay mapupunta sa tribong kanyang natutunang mahalin at nagpapasaya sa kanya ngayon.


Pero siyempre, hindi maipagkakaila na bukod sa T’boli people, isang malaking dahilan ng pananatili na sa Pilipinas ng Brazilian model-actress na minsan na ring lumabas sa FPJ’s Batang Quiapo, ay ang lalaking bumihag sa kanyang puso — walang iba kundi ang entrepreneur at brand ambassador ng World Balance na si Billy James Cash.


Well, abangan dahil pagkatapos ng Batang Quiapo, ayon sa manager niyang si Tyronne Escalante ay may gagawin na ring pelikula si Alexia Nuñez.

So bongga your anak-anakan, Dominic Rea!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page