top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

'Di raw member ng SMP... JANINE, IDINIIN NA 'DI PA SILA BREAK NI PAULO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 11, 2023



Tiniyak ni Janine Gutierrez na hindi siya kabilang sa ‘Samahan ng malalamig ang Pasko’ (SMP) sa Disyembre.


Mausok pa rin ang tsika tungkol sa relasyon at diumano'y hiwalayan nila ng aktor na si Paulo Avelino. Pero kapag parehong tinatanong ang dalawa, laging tikom ang kanilang mga labi.


Sa last thanksgiving mediacon ng Linlang, todo-iwas si Paulo nu'ng tinatanong ang kanyang love life.


Panay ngiti lang ito at nagbiro pang magwo-walkout nu'ng love life na niya ang inuusisa ng entertainment media pagkatapos ng contract signing niya with ABS-CBN last month.


Pero hindi niya idinenay na happy ang puso niya ngayon. Bagama't may kumakalat ngang tsikang break na diumano sina Paulo at Janine.


Kaya nga we asked Janine kung member ba siya ng SMP.


Tugon niya, “Uy, grabe! Hahaha! Ganoon ba?”


Mariing sabi pa ni Janine sa amin, hindi siya member ng SMP.


Next year na magsisimula ng bagong project si Janine sa ABS-CBN. Although, hindi pa raw niya talaga alam kung ano ang project na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.


“What I love working with ABS-CBN is parang very global talaga ‘yung vision natin. Na ‘yung content natin, talagang alam mong Pilipino siya, and Philippines ‘yung mga isyu. Pero global ‘yung pagkagawa, ‘yung pagka-release,” pahayag ni Janine sa pagpirma niya ng bagong kontrata.


Dugtong pa niya, “Kaya ito na rin talaga ‘yung pangarap ko na you know, ma-expose tayo doon sa… para makasama ako doon sa mga projects na exposed talaga sa ibang bansa. Like ‘yung Dirty Linen was part of Content Asian Awards and alam ko naman na all the partnerships of ABS with Prime (Video) kung saan nandoon ang Dirty Linen, and then, ‘yung Sleep With Me is starting on Netflix naman bukas.”


Kaya excited talaga siya that she’s part of ABS-CBN’s global vision.


Hindi rin masabi ni Janine kung ano’ng genre or specific role ang gusto niya for her next project with ABS-CBN.


“'Yun nga po, eh, mahirap na ring magsabi for me kasi parang mas higit pa ‘yung naiisip ng ABS para sa akin. Na parang, like Dirty Linen na I would have never thought of it. Pero dream role ko siya. Pero hindi ko maisip kung paano ba sasabihin ‘to?


“So, parang anything that they give me is maganda talaga na I will happily accept it,” esplika ni Janine.


Dahil nagko-collab na ang ABS-CBN with GMA-7, may possibility na muling makatrabaho ni Janine ang mga dating kasamaham niya sa Kapuso gaya ng ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.


“I’m happy to work with GMA artists,” sambit ni Janine.


Kung papipiliin siya, sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho na nakasama na niya?


“Sino kaya? Kahit sino. Lahat sila. Hahaha! Na-train, eh. Kasi lumaki ako sa showbiz,” diin pa ni Janine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page