top of page

'Di raw mawawala ang LOL… HIRIT NI BAYANI: MAS MATAAS PA ANG RATING NAMIN SA EAT BULAGA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 26, 2022





Nag-react si Bayani Agbayani sa fake news umano na tsutsugihin na sa ere ang kanilang noontime show sa TV5 na Lunch Out Loud dahil mababa ang ratings at konti ang pumapasok na advertisers.


May dagdag-tsika pa na may feelers si Billy Crawford sa ibang network para sakaling magkatotoo nga ang tsugihan, agad siyang makakahanap ng lilipatan?


Sa isang mensahe ni Bayani sa amin kahapon nang umaga (February 25), "Good morning, Kuya Ador. Naglabas na po ng official statement si Mr. Albee Benitez na hindi mawawala ang Lunch Out Loud sa ere dahil maraming ads at sa totoo lang, mataas ang aming ratings," bungad niyang paglilinaw.


"Lalo na po sa Visayas at Mindanao, (mas) mataas pa kami kesa sa Eat… Bulaga!" sey pa ni Yani (tawag namin sa comedian-host).


Sinabi pa ni Yani na hindi na sila nagugulat sa mga pinagsasasabi ng iba sa kanilang noontime show na kesyo mawawala na ito in three months at kung anu-ano pang tsismis tungkol sa status ng kanilang show.


"Hindi na po bago sa amin 'yan. Kahit noong kauumpisa pa lang namin sa LOL, sinasabi nila na until three months lang ang Lunch Out Loud. Eh, magda-dalawang taon na po kami.


Thank you, Lord at hanggang ngayon, mataas pa rin ang ratings namin sa Visayas at Mindanao, No. 1 kami roon," saad niya.


Wala raw naghahari-harian at nag-aastang 'reyna' sa kanilang show. Pantay-pantay daw ang trabaho nila as host o walang nag-aagawan ng eksena.


"Maganda at masaya ang Lunch Out Loud at marami kaming natutulungan. Maraming nanonood at tumatangkilik sa aming noontime show, kasi pantay-pantay kami sa show, walang hari at walang reyna at nararamdaman 'yan ng mga nanonood, ng mga viewers," paliwanag niya.


Dagdag pa ni Yani, "Marami kaming TV commercials and endorsements. Thank you, Lord."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page