'Di raw mapili sa bagong dyowa…"KUNG SINO ANG DUMATING, BASTA'T MAMAHALIN AKO" — JANELLA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 10, 2022

Hindi kinumpirma ni Janella Salvador na hiwalay na sila ng tatay ng anak niyang si Markus Paterson pero okay daw sila para sa anak nilang si Jude.
“Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami. We're both happy as individuals and our main priority is Jude,” sagot nito.
Nakapanayam si Janella sa ginanap na grand mediacon ng Darna series nitong Lunes nang gabi sa ABS-CBN Dolphy Theater kung saan gaganap siya bilang si Valentina.
Pero naging palaisipan sa amin ang sagot ng aktres sa tanong sa kanya kung mapili na siya ngayon sa mamahalin.
“Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating, basta't maayos, basta't mamahalin ako,” say ni Janella.
Anyway, naitanong din kay Valentina ang tungkol sa muli nilang pagkikita ng una niyang leading man na si Joshua Garcia sa The Killer Bride noong 2019. Alam kasi ng aktres na may crush sa kanya ang binatang aktor pero noo’y madly in love siya kay Markus.
“Masaya ako na nakakatrabaho ko na ulit si Joshua. It's really nice to work with someone that you already had chemistry with. Mayroon din namang parts dito na magkaeksena kami.
Happy ako na nakakatrabaho ko siya,” sambit ng aktres.
Hmmm, posible kayang matuloy na ang naudlot na lihim na pagtingin ng aktor kay Janella?
Samantala, nagkatakutan ang ilang media nang dumalo si Janella na dala-dala ang polka-dot snake na gumagalaw-galaw pa sa kanyang kaliwang kamay sabay labas ng dila.
Halatang ingat din ang aktres sa paghawak nito na dapat ay gentle dahil kapag nakaramdam ng pressure ang ahas ay nanunuklaw ito. Pero may nagbulong sa amin na wala na itong venom.
Pero ang sabi pa rin ng host ng event na si Erick John Salut, “Kahit na, ahas pa rin ‘yan, ‘no!”
Inamin ni Janella na sobrang na-pressure siya nang ialok sa kanya ang Valentina role dahil kontrabida ito at hindi pa niya nasubukang maging villain sa mga series at movies na nagawa niya.
Pero dahil may agam-agam din siya noon dahil kakapanganak pa lang ay naisip din niyang subukan lalo’t malaking project ito at hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
Pressure rin dahil ang mga gumanap na Valentina in the past ay talagang nabigyan ng hustisya ang role at tumatak sila sa manonood tulad nina Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Pilita Corrales at si Alessandra de Rossi ang huli sa Darna series ni Angel Locsin.
“We all know how iconic the role of Valentina is. Knowing that the previous Valentinas were all so amazing and the character became iconic because of the way they portrayed it, of course I want to make it my own. At the same time, gusto kong tumatak siya. Nandoon ‘yung pressure.
“Aside from the fact that it’s physically draining, it’s actually a very complex character. It’s quite difficult to act as her. It’s emotionally draining as well,” paliwanag ng makabagong Valentina.
Anyway, may mga pagbabago sa presentation ng Darna ni Jane de Leon para maka-relate ang mga millennial at Gen Z.
Mapapanood na ang Darna sa Lunes, Agosto 15, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC.
Pinagbibidahan ni Jane de Leon, kabilang din sa Darna series sina Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, JV Kapunan, Richard Quan, Mark Manicad, Yogo Singh, Marvin Yap, Zeppi Borromeo, Dawn Chang, LA Santos, Viveika Ravanes, Joj Agpangan at Rio Locsin.
Handog ng JRB Creatives, mula ito sa direksiyon nina Avel Sunpongco, Benedict Mique at Chito Roño.





Comments