top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di raw mapatawad… DENNIS, 9 YRS. NANG SINUSUYO ANG MGA ANAK, DEDMA PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 24, 2023




Inamin ni Dennis Padilla na masakit sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.


Napag-usapan ang bagay na ito sa mediacon last Saturday ng bago niyang pelikulang Magic Hurts under RemsFilms Productions.


Siyempre, masakit daw ito para kay Dennis dahil mahal na mahal niya ang mga anak.


Pero parang natutunan na rin daw niyang mamuhay na may kasamang pighati.


When asked kung may forgiveness na ba sa pagitan nila ng kanyang mga anak, aniya, “Hindi ko alam kung ako, forgiven na, pero ako, wala naman akong dapat i-forgive dahil ako ‘yung maraming pagkukulang.”


Natanong din si Dennis kung naghihintay pa rin ba siya ng “magic” na maging okay na sila ng kanyang mga anak at sey niya, “Yes, I’m waiting for that magic and I hope na ‘yung pagmamahal, eh, nandu’n pa rin.”


Dagdag pa niya, “Sana soon, kasi I’m not getting any younger.”


Sa tanong kung nag-reach out na ba siya sa kanyang mga anak, sinabi ni Dennis na matagal na niya itong ginagawa.


“I’ve been reaching out since 2014, matagal na, 9 years, I’ve been reaching out. So, sana, sila naman,” sabi ni Dennis.


Tatlo ang anak ni Dennis kay Marjorie — ang panganay na si Julia Barretto, then si Claudia at ang bunsong si Leon. Hindi naman kaila sa lahat na may long history ang mag-aama ng kanilang mga tampuhan at sama ng loob sa isa’t isa.


Samantala, ang pelikulang Magic Hurts ay pinagbibidahan nina Mutya Orquia and Beaver Magtalas. Kasama rin sa cast sina Ricardo Cepeda, Julian Roxas, ang nagbabalik-showbiz na si Angelica Jones, at anak ni Claudine Barretto (na may special participation din sa movie) na si Aryanna Barretto.


Magsisimula pa lang mag-shoot ang pelikula sa Baguio and Benguet na mula sa direksiyon ni Gabby Ramos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page