'Di raw mapapatawad sa pagsira sa sorpresa ng BF…
- BULGAR

- Dec 17, 2020
- 2 min read
JESSY, GALIT NA GALIT SA GUMAWA NG ENGAGEMENT RING NA BIGAY NI LUIS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 17, 2020

Sobrang naging emosyonal si Jessy Mendiola nang idetalye sa kanyang vlog ang kuwento tungkol sa kontrobersiyal na diamond ring na bigay sa kanya ni Luis Manzano nang mag-propose ito ng kasal at nagkaroon ng prenuptial shoot sa Amanpulo sa Palawan.
Actually, lingid daw sa kaalaman ni Jessy, last Sept., 2019 pa binili at ipinagawa ni Luis ang nasabing diamond ring na ang ideya ng design ay kay Jessy nga galing.
Nabanggit na ito ni Jessy sa nobyo bago pa nakabili ng diamond ring. Inilihim ni Luis kay Jessy ang tungkol sa singsing at ipinatago sa staff ng Radiant Lux Jewelry na naging kaibigan nila. Ang Radiant Lux Jewelry ang gumawa ng engagement ring.
Pero noong Mayo, 2020, nag-away at nagkaroon ng matinding problema sina Jessy at Luis. Ilang buwan silang hindi nagkita at nag-usap. Hindi na inaasahan pa ni Jessy na magkakabati at magkakabalikan pa sila ni Manzano.
Sa panahon na hiwalay sina Jessy at Luis, ang nasabing staff ng jewelry shop ay naging close at dumamay kay Jessy. At dumating nga sa punto na sinabi na nito kay Jessy ang tungkol sa engagement ring na ipinagawa ni Luis sa Radiant Lux Jewelry. Ipinakita at ipinasuot pa ng staff kay Jessy ang diamond ring.
At that time, mixed emotions ang naramdaman ni Jessy sa ginawang 'yun ng staff. Parang sinira nito ang momentum at ang dapat ay sorpresa sana sa kanya ni Luis.
Dahil du'n, minabuti niyang kausapin nang masinsinan ang nobyo at doon sila nagkapaliwanagan at nagkabati.
Kinuha nila ang diamond ring at ipinabago ang setting sa Manila Diamond Studio.
Ang ikinagagalit pa nina Jessy at Luis ay ipinagkakalat ng nasabing staff na sila ang gumawa ng engagement ring at inalis ang kredito sa Manila Diamond Studio.
Nag-text pa raw ang nasabing staff sa pamilya at mga kaibigan ni Jessy para humingi ng simpatya dahil nagalit daw sa kanya ang aktres.
Sa vlog na ginawa ni Jessy ay diretsahang sinabi niya na galit siya at hindi niya mapapatawad ang staff na itinuring nilang kaibigan at pinagkatiwalaan pa.
Naba-bash ngayon sina Jessy at Luis dahil sa ginawa nilang paglilihim sa totoong nangyari.
So, hindi talaga noong Dec. 12, 2020 naganap ang proposal ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Reenactment na lang bale ito dahil two months nang nangyari ang private na proposal. Pre-nuptial shoots sa Amanpulo ang best venue para ulitin ang pagpo-propose ni Manzano.





Comments